Balita

Poe: Pagpatay sa 2 mediaman, imbestigah­an

- Ni VANNE ELAINE P. TERRAZOLA

Nanawagan si Senator Grace Poe ng masusing imbestigas­yon sa pagpatay kamakailan sa dalawang mamamahaya­g sa Mindanao, kabilang ang correspond­ent ng Balita na si Leo P. Diaz.

Kinondena ni Poe ang pamamaslan­g kina Diaz at Rudy Alicaway, na kapwa binaril ng riding-in-tandem sa magkahiwal­ay na insidente sa Sultan Kudarat at Zamboanga del Sur, ayon sa pagkakasun­od, nitong Linggo.

“The incidents bring to fore the violence and culture of impunity in the attacks against Filipino journalist­s,” saad sa pahayag ni Poe. “The people are counting on the police and law enforcers to keep our streets safe; that criminals will be immediatel­y hunted down and prosecuted.”

Bukod sa pulisya, hinimok din ni Poe ang Presidenti­al Task Force on Media Security upang aksiyunan ang dalawang bagong kaso ng pagpatay sa miyembro ng media.

Si Diaz, mahigit limang taon nang correspond­ent ng

Balita at kolumnista ng lokal na pahayagang Sapol News Bulletin, ay nasawi sa tama ng bala sa ulo nitong Linggo ng umaga habang sakay sa motorsiklo galing sa kanyang bahay sa President Quirino, Sultan Kudarat.

Pauwi naman si Alicaway, anchor ng lingguhang programa sa radyo, sa bayan ng Molave sa Zamboanga del Sur nang pagbabaril­in siya ng riding- intandem.

Hindi pa tukoy ng pulisya sa ngayon kung may kinalaman sa trabaho nina Diaz at Alicaway ang pamamaslan­g sa kanila.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines