Balita

Negros hinati uli ni Digong

- Argyll Cyrus Geducos at Leonel Abasola

Binuwag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Negros Island Region (NIR), ibinalik ang probinsiya ng Negros Occidental at Negros Oriental sa Western at Central Visayas, ayon sa pagkakasun­od.

Sa kanyang Executive Order (EO) No. 38 na nilagdaan nitong Lunes, binanggit ni Duterte ang isyu sa pondo bilang dahilan sa pagbuwag sa Region XVIII.

Sa kanyang EO, sinabi ni Duterte na kinakailan­gang masiguro na napopondoh­an nang tama ang mga pangunahin­g programa at proyekto ng pamahalaan.

“The establishm­ent of regional offices ( ROs) of department­s and agencies in the NIR requires substantia­l appropriat­ion to be fully operationa­l, thus competing with government priority programs and projects for funding,” saad sa EO.

Sa bisa ng EO, binuwag ang mga regional office at regional council na itinatag sa NIR.

Inatasan ang mga kinatawan ng NIR regional offices at councils na ibalik ang kanilang dating unit of deployment, o ire-assign sa ibang opisina sa kani-kanilang ahensiya.

Dismayado naman si Senator Bam Aquino sa pagkakabuw­ag sa NIR.

“We are disappoint­ed with the decision to abolish the Negros Island Region amidst the Negrenses’ appeal for unificatio­n. At the very least, this issue warrants a public discussion and we hope the Senate can still hold a hearing on the resolution­s we’ve filed last year,” dagdag ni Aquino.

Ang NIR ay binuo ni dating Pangulong Benigno Aquino III upang matiyak ang pag-unlad ng buong Negros.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines