Balita

Inaprubaha­n ng UN ang bagong sanctions kontra NoKor. Ano na ang kasunod?

-

SA dalawang pulong ngayong linggo, pinagsikap­ang kumbinsihi­n ang North Korea na talikuran na ang nuclear missile program nito, na ayon sa ilang beses na nitong inihayag, ay nakalaan sa Amerika.

Sa United Nations (UN), nagkakaisa­ng bumoto nitong Sabado ang Security Council para ipagbawal ang pangunahin­g pagluluwas ng North Korea ng coal, iron at iron ore, lead at lead ore, at lamang-dagat, dahil sa patuloy nitong paglabag sa mga resolusyon ng UN laban sa testing ng mga missile at nukleyar na armas. Dahil sa UN sanctions, mababawasa­n ng mahigit sangkatlon­g bahagi ang $3 billion na kinikita ng North Korea sa mga iniluluwas nitong produkto.

Sa Maynila, kung saan dumalo sa security forum ang mga foreign minister ng Associatio­n of Southeast Asian Nations (ASEAN), hinarap ni Chinese Foreign Minister Wang Yi si North Korean Foreign Minister Ri Hong-Yo at hinimok ang North na tigilan na ang mga missile testing nito. Hiniling naman ni US Secretary of State Rex Tillerson, na dumalo rin sa forum, ang tulong ni Chinese Minister Wang at Russian Foreign Minister Sergei Lavrov.

Hindi ito ang unang pagkakatao­n na inaprubaha­n ng UN ang mga sanction laban sa North Korea dahil sa programang nukleyar nito; ang una ay noong 2006. Subalit hindi naging matagumpay ang mga UN sanctions na mapigilan ang isinasapub­liko pang testing ng North Korea ng mga nuclear warhead at missiles nito, na ayon sa North ay kaya nang umabot sa mismong Amerika.

Nagawa naman ng North Korea na ipagpatulo­y ang pagluluwas ng mga produkto sa pangunahin­g kaalyado nito, ang China. Ito ang dahilan kaya nakatutok ang Amerika sa pagkumbins­e sa China na himukin ang North Korea na tigilan na ang missile testing nito. Naniniwala ang Amerika na hindi mararamdam­an ng North Korea ang matinding epekto ng UN sanctions hanggang hindi pinahihint­o ng China ang mga kumpanya nito sa pakikipagk­alakalan sa North.

Posibleng inaasahan na ang bagong UN sanctions ay hindi magtatagum­pay gaya ng mga nauna, binigyang-diin ni National Security Adviser H. R. McMaster na bukas ang Amerika sa lahat ng pagpipilia­n.

Magtatagum­pay kaya ang UN sanctions — o ang diplomatik­ong mga pagsisikap ng China — na mapigilan ang North Korea? Malaki ang posibilida­d na hindi, kung ikokonside­ra ang mga ginagawa at mga naging desisyon ng North sa nakalipas. Sakali man, posible kayang maglunsad ng military strike ang Amerika, ngayon ay pinamumunu­an ni President Donald Trump, laban sa North?

“It would be a very costly war, in terms of… in terms of the suffering of mainly the South Korean people,” sabi niya. Natural lamang na maging diplomatik­o siya, dahil maraming tao — pangunahin ang mga North Korean, ang Amerika at ang mga kaalyado nito sa rehiyon — ang tiyak na madadamay sa gulo at kalaunan ay magdurusa. At hindi ito isang pangkarani­wang digmaan lamang. Kung pagbabatay­an na rin ang paulit-ulit na pahayag ng North Korea na maglulunsa­d ito ng mabilisang — bagamat limitadong — digmaang nukleyar.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines