Balita

Karen Davila, tuloy ang paghahatid ng inspirasyo­n

Kabuhayan Caravan ng ‘My Puhunan’ sa Caloocan

-

TAGABARYO na naging sikat na fashion designer sa ibang bansa, dating waiter na apat na ang restaurant ngayon, at mag-ina na napalago ang kanilang simpleng burger stand -- ilan lang ito sa maraming kuwento ng tagumpay ng mga Pilipinong negosyante na naitampok ni Karen Davila sa My Puhunan.

At sa ikaapat na taon ng programa, patuloy pa itong maghahatid ng pagbabago sa buhay ng mga Pilipino sa pag-engganyo sa kanila upang magbukas ng negosyo gaano man kaliit ang puhunan. Ayon kay Karen, sa dami ng mga negosyante­ng Pinoy na nakausap niya, siya mismo ay nag-iisip nang pumasok sa pagnenegos­yo.

“Ang gusto ko sa My Puhunan kasi binabago nito ang paniniwala ng ibang Pilipino na kailangang mangibang-bansa upang kumita ng pera o umunlad. ‘Pinapakita natin sa Pilipino na kahit sa konting puhunan lang, minsan laway lang, minsan talento mo lang, p’wede ka talaga umasenso sa buhay. Ako mismo natututo sa programa at dahil diyan gusto ko na rin magnegosyo!” ani Karen.

Pero bukod sa pagbabahag­i ng tagumpay ng mga Pilipino, nais din ng programa na makapag-abot din ng tulong sa kapwa mga Pilipino na nais maitaguyod ang kanilang pamilya.

Kaya bilang pagdiriwan­g sa ikaapat na anibersary­o ng programa, lumarga uli ang “Kabuhayan Caravan” ng My

Puhunan, na ang mga nagbabahag­i ng oras at kaalaman sa livelihood seminars ay ang mga dating lumabas sa programa tulad nina

Grace Barios ng BeauQuest at MADALI

Remilly Co ng Remilly’s Yema Cake. Ang batikang fashion designer naman na si Avel

Bacudio, binigyan ng payo noon at ilang gamit sa pagdidisen­yo ang 24-year old na si Joemel Calma sa episode ng My Puhunan noong 2014. Bukod sa naging mentor ni Joemel si Avel, nakatangga­p din siya ng trabaho sa ibang bansa, at nakagawa na ng sariling pangalan.

Iba naman ang naibigay ng programa kay Remilly Co, na dating tindera sa Divisoria. Aniya, pagkatapos niyang lumabas sa My Puhunan ay nagdagsaan ang mga order sa kanyang Yema cake.

Ang mag-inang Emilie at Justin Abejar naman, naaalala pa ang eksena nang ipalabas ang episode tungkol sa kanilang DonJar Big Boodle Burger. “Hindi na tumigil ‘yung mga phone namin, ang daming nag-i-inquire, nakakatuwa, dumami ‘yung franchises lalo,” kuwento ni Emilie. Pero hindi pa rin titigil si Karen at ang My

Puhunan team sa pagbibigay ng inspirasyo­n at kaalaman sa mga Pilipino na nais magnegosyo at sa pagtatampo­k ng mga produktong Pilipino. Napapanood ang programa tuwing Martes, 9:30 PM sa DZMM TeleRadyo at pagkatapos ng Bandila sa ABS- CBN at ABS- CBN HD. Mapapanood din ang My

Puhunan sa ANC ng 7: 30 PM tuwing Linggo at may replay sa Lunes ng 11:30 PM at Huwebes ng 1:30 PM. Maaari ring manood online sa iwantv. com. ph and www. skyondeman­d. com. ph. Para sa updates, bisitahin ang www. facebook. com/ MyPuhunan andwww.twitter. com/MyPuhunan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines