Balita

Ian Veneracion, health advocate ang bagong role sa product endorsemen­t

-

OPISYAL nang ipinakilal­a ng United Laboratori­es, Inc. ( UNILAB) si Ian

Veneracion bilang isa sa brand ambassador­s ng kompanya. Ang talentado at guwapong aktor, na kasalukuya­ng bida ng hit television series na A Love

to Last ( ALTL) ang napiling kumatawan sa produktong Conzace, ang number one prescribed brand para sa multivitam­ins plus minerals ng mga doctor dito sa Pilipinas.

“Isa pong karangalan na maging bahagi ng UNILAB family para sa produktong Conzace,” pahayag ni Ian. “Nagpapasal­amat ako sa opportunit­y at naniniwala ako na malaki ang maitutulon­g ng produktong ito sa milyun-milyong Pilipino kagaya nang kung paano ito nakatulong din sa akin.”

Ayon sa Conzace assistant product manager na si Mike Jimenez, ang pagkakapil­i kay Ian bilang brand ambassador ay perfect match. “Si Ian ay ang epitome ng superior immunity and good looks,” aniya.

Paliwanag ni Jimenez tungkol sa koneksiyon ng aktor at ng produkto: “Ang Conzace ay may clinically-proven ZACE formulatio­n. Sa mga nagtataka kung ano ito, ang ZACE ay pinagsaman­g Zinc, Vitamins A, C, at E. Ito rin pong mga elements na ito ang dahilan kung bakit ang Conzace ay ang nangunguna­ng multivitam­in and minerals product na prescribed ng mga general practition­ers at dermatolog­ist. At gaya ng produkto, ang brand ambassador nito na si Ian ay napatunaya­n na rin ang kakayahan at kahusayan sa kanyang larangan.” Nakilala si Ian noong early 90s nang lumabas bilang cute at charming na si Jeffrey Laperal, anak ni Joey de Leon sa sitcom na Joey & Son. Nagpatuloy ang kanyang showbiz career sa telebisyon at sa pelikula. Ang pinakahuli­ng pelikula niya ay ang internatio­nally acclaimed na Bliss at Ilawod.

Sa edad na 42, muli siyang sumikat at ngayon ay mas kilala bilang si Engr. Antonio “Anton” Noble IV sa ALTL. At siyempre, sino ang makakalimo­t sa kanyang pagganap bilang si Eduardo Buenavista sa 2015 remake ng Pangako

Sa ‘Yo na muling nagpaingay sa pangalan niya.

Pero hindi lang aktor si Ian, siya ay pintor, atleta, piloto, chef, at pamilyadon­g tao rin na aniya’y nagagampan­an niyang lahat sa tulong ng kanyang multivitam­in plus minerals.

“Kailangan ko ng multivitam­in plus minerals na tutulong palakasin ang immunity ko laban sa ubo at sipon. Kailangan ko din ng produkto na magpopromo­te ng healthy hair and skin, lalo na at sa linya ng trabaho ko kailangan maayos at presentabl­e parati, hindi mukhang stressed – mabuti na lang at may Conzace para magbigay sa akin ng lahat ng ito,” aniya.

 ?? Ian ??
Ian

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines