Balita

‘Away’ kina Lea at Sarah, tinapos na ni Sharon

- Ni NITZ MIRALLES

TINAPOS na ni Sharon Cuneta ang sitsit na may conflict sila ni Lea Salonga, na siya ang blind item ni Lea, sa post niya sa social media na, “Last na po ito para tapos na: Hindi ako ‘yung sinasabi ni Lea. Sorry, pero we are in touch, di kami masisira! End of issue.” Pati ang isyu sa kanila ni

Sarah Geronimo, tinapos na rin ni Sharon sa post naman niyang, “Just got your message, Sarah. Thanks so much bebegurl. Basta tayo alam natin ang totoo. The end na talaga ng issue na ito. Di talaga tayo pinababaya­an ni God. Mahal kita.”

Kaya lang, mukhang hindi pa tapos para sa ilang fans nina Sarah at Sharon ang isyu dala ng post ni Sharon tungkol sa finals ng The

Voice Teens na itinanggin­g inisnab niya ang lahat nang manalo ang Team Sarah at si Jona. Ang feeling ng fans ni Sarah, sinisi sila ni Sharon sa pagkalat ng isyu, kaya nagkaroon ng kontrobers­iya.

Para siguro hindi na lumaki pa ang isyu at balikbalik­an ang mahabang post ni Sharon, dinelete niya ito. Hindi na namin nakita, pero may nakapag- save na ng kanyang post.

Anyway, masaya at nagpapasal­amat si Sharon sa mga sumuporta sa first indie film niya at first time na pagsali sa Cinemalaya. Sold out ang tikets sa gala screening ng Ang Pamilyang

Hindi Lumuluha noong August 8, sa Cultural Center of the Philippine­s ( CCP). Pati ang screening sa smaller theaters ng CCP, sold out din.

Sold out at pinipilaha­n din ang screening ng movie sa Ayala Malls. Pati ang kapwa artista ni Sharon, tumutulong sa pagpopromo­te ng pelikula kabilang si Piolo Pascual. Given nang magpo-promote si Piolo dahil kasama ni Sharon ang trusted and long- time assistant niyang si Moi Bien.

 ??  ?? Sharon
Sharon
 ??  ?? Lea
Lea

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines