Balita

Chloe Grace Moretz, nagsalita tungkol sa naranasang body shaming sa Hollywood

- Refinery29

PINANINIWA­LAAN

na malayo na ang narating ng movie industry pagdating sa feminism, ngunit paminsan- minsan, mayroong nagpapaala­la na marami pa ang kinakailan­gang gawin. Sa kasamaangp­alad, tuwiran itong narasan ni Chloe Grace Moretz.

Bata pa nang magsimula ang acting career ni Chloe. Nang tumuntong siya sa edad na 15, nabigyan siya ng malalaking roles sa pelikula kagaya ng Kickass at Carrie. Kaya marami siyang naranasang sexism.

Habang nasa shooting ng undisclose­d film, nagpahayag ng hindi kanais- nais na opinyon ang co-star at on-screen love interest ni Moretz sa kanyang postura.

“This guy that was my love interest was like, ‘I’d never date you in a real life,’ and I was like, ‘What?’ And he was like, ‘Yeah, you’re too big for me’ — as in my size,” pagbabalik-tanaw niya sa panayam para sa cover story ng Variety. “It was one of the only actors that ever made me cry on set.”

Tumanggi si Moretz na pangalanan ang aktor na tinutukoy niya. Sinabi lamang niya na ito “23, 24 or 25” taong gulang at siya ay 15 years old nang panahong iyon.

“I had to pick it up and go back on set and pretend he was a love interest, and it was really hard,” patuloy niya. “It just makes you realize that there are some really bad people out there and for some reason, he felt the need to say that to me. You have to kind of forgive and not forget really, but it was just like wow. It was jarring. I look back on it and I was 15, which is really, really dark.”

Hindi lamang costars ang kailangan niyang pakabantay­an. Ayon kay Moretz, may insidente ring hindi siya natanggap dahil sa kanyang itsura.

“Because I’m blond and there’s another blond in the movie, you can’t cast me?’” aniya. “That’s such a masculine way of looking at things.”

Sa halip na husgahan ang halaga ng isang tao ayon sa pisikal na kaanyuan, kailangan matutong ituon ng publiko ang pansin sa mga bagay na mas mahalaga.

 ??  ?? Chloe
Chloe

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines