Balita

Mag-Asawa'y 'Di Biro

-

Ika-86 na labas

MATAGAL

nga bago nagsalita si Ruding. Kung pagbabatay­an ang markadong lungkot sa mukha nito, iisiping nakokonsen­siya nga ito sa pagmamakaa­wa ni Deth:

“Matanda na ‘ko, Deth… Dapat, wala na sa akin ang nararamdam­an kong ito. I must admit, hindi lang naman talaga pagnanasa ang nararamdam­an ko sa’yo…”

Matagal, hindi dinugtunga­n ni Ruding ang sinasabi.

Nainip, tanong ni Deth: “Ano naman ang ibig mong sabihin?”

‘G-gano’n na nga. Hindi katawan mo lang ang talagang gusto ko sa’yo. Mahal kita, Deth! ‘Yong totoong pagmamahal!”

“May asawa ako, Ruding! Alam mo ‘yan.”

“I can’t help it, Deth. Sa maniwala’t hindi ka, Deth… ako man… hindi ko rin mapaniwala­ang makakaramd­am pa ako sa ganitong edad ko ng nararamdam­n ko ngayon.”

Huwag mong sabihing naniniwala ka?

“Kung gano’n, kung talagang mahal mo ‘ko hindi mo naman talaga sisirain ang buhay naming mag-asawa dahil lang sa mga utang ko sa’yo?”

Hindi kumibo si Ruding pero nanatili sa mukha nito ang lungkot.

“Ibig bang sabihin niyon, hindi mo

na ako sisingilin sa mga nakuha kong pera sa’yo? Ang hindi niya sinabi: Kahit gaano ang gawin kong pagtutuos, hindi ako makapaniwa­lng magiging ganoon kalaki ang mga halagang nakuha ko sa iyo.

“May maliit lang sana akong kahilingan, mahal!”

Mahal? Payag ka ba talaga? Bolero ‘yan. H’wag kang tanga! “Ano ‘yon, Ruding?” “Kung p’wede, manatili ‘yong pagkikita natin kasi, buhat no’n… hindi ka na lumitaw sa bingohan. Hindi ko pala kaya ‘yun, Deth!”

Binobola ka pa rin? Pumayag ka na rin pansamanta­la. Bahala na ang manyayari sa dakong huli. Di ba ang ibig lang naman niyang sabihin na manatili kayong laging nagkikita ay ‘yong sa bingohan?

“Kasalanan mo rin naman, Ruding.” Pinilit niyang mahinahon ang kanyang boses. O baka nga napalambin­g pa niya. “Tinakot mo kasi ako sa pagbabayad ng utang.”

“Wala ‘yong utang na ‘yon.” Umiling-iling pa si Ruding. Ibig mong sabihin, hindi mo na ako sisingilin sa utang ko? Hindi niya

naisatinig ang tanong.

“E, saan mo naman ako… I mean, saan naman tayo pupunta pagkatapos nating kumain?” Ang

hindi niya sinabi: Siguro, yayain mo akong mamasyal. Sige, sasama ako. Pero hindi siguro dito sa Malolos. Alam mo na, malaki ang peligro rito baka may kakilala akong makakita sa atin. O baka mismong asawa ko ang makatiyemp­o.

“Kung kumain ka kaya muna, mahal?”

Kumain daw. E, di kumain. Honest, kanina pa naman talaga siya gutom. Ngayon, nalasahan na niya ang sarap ng mga putaheng nakahain sa harap nila. Tapos na silang kumain.

Napansin niya, parang bigla’y tumamlay si Ruding. Aywan naman kung bakit naka-apekto rin yata sa kanya ang nakita niya sa mukha ni Ruding. May problema nga kaya? “Bakit, Ruding?” “Wala ito, Deth,” pero hindi nawala sa mukha ni Ruding indikasyon may nararamdam­an ito. “Dati ko nang nararamdam­an ito. Matanda na naman kasi ako.”

“Tena sa doctor. May alam naman akong klinika rito.”

May dinukot sa bulsa si Ruding na nakabalot sa plastic. “Lagi naman akong may dalang gamot. Isang tablet lang nito, wala na itong nararamdam­n ko. Kelangan ko lang ang konting pahinga, Deth. Samahan mo na lang ako sa pamamahing­a.” Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ?? R.V. VILLANUEVA
R.V. VILLANUEVA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines