Balita

Joshua at Julia, ‘sila na’

- Ni REGGEE BONOAN

NAGKAROON

ng tensyon sa presscon ng pelikulang Love You To The Stars and Back dahil sa sunud-sunod na tanong sa mga bida ng pelikula na sina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Tinanong si Julia kung ano ang lagay nila ni Joshua dahil namamasdan ng lahat na tila may relasyon na sila.

“If I’m being very honest, I’ve learned to prioritize my work,” sagot ng dalaga. “But he’s become such an important person in my life and it’s not like nakakasaga­bal siya sa trabaho ko.

“So, I don’t see any problem naman na if ever pagsabayin ko. That’s because I’m being very honest right now,” pag-amin ng dalaga. Maging ang ina ni Julia na si Marjorie

Barretto na nasa di-kalayuan ay tinanong kung boto siya kay Josh, at sumagot ng, “Kung saan masaya at maligaya ang mga anak ko, okay sa akin.”

Klaro na ang sagot ni Julia na may gusto rin siya kay Joshua kaya nagtaka ang entertainm­ent press kung ano ang pinanggaga­lingan ng binata nu’ng tanungin siya kung kailan siya nagsimulan­g manligaw, dahil parang nairita siya sa sunud-sunod na tanong sa kanya.

Sagot ng aktor, ‘ngayon po’ siya nagsimulan­g manligaw, na ibig siguro niyang sabihin ay kasalukuya­n pa rin siyang nanliligaw dahil nagsimula raw ito pagkatapos nilang gawin ang Vince Kath and James (VKJ).

“Nu’ng look test pa lang po dati bago mag- VKJ, crush pa lang po dati,” malumanay sa sabi ni Joshua.

Pagpasok daw ng 2017 nagsimulan­g magparamda­m ang aktor sa dalaga kaya ang sumunod na tanong ay kung ano na ang developmen­t ng panliligaw niya, dahil nga Agosto na, at Enero pala siya nag-umpisa.

“Ganu’n pa rin po,” matipid na sagot ng young actor.

“Ibig niya (Joshua) pong sabihin,” salo ni Julia pero pinigil angan dalaga para hayaang ang binata ang sumagot.sumagot

Katwiran ni Julia,Juli “Kawawa naman po kasi siya baka magkamalim­agkam sa sagot.”

At nakaisip n na siguro ng isasagot ang aktor.

Nanliligaw pap rin po pero malalim na po talaga ang pinagsamah­anpinags namin at mas kilala na naminnami ang isa’t isa,” seryosong sabi nin Joshua, sabay sabing, “nakakatako­t“naka pa rin po kasing magtanongm­ag sa kanya hindi mo rin ini-expect kung ano ang puwedepuw niyang sabihin, eh. PuwedePu siyang mag-hindi, eh.eh Kasi sa ngayon, ‘yung trabahongt­r pumapasok sa amin,am ang hirap sayangin. KungK ( natigilan ulit) kasi nakakatako­tna talagang magtanong,ma oo, natatakot po ako.”ako

Bakit ganu’n ang inisip ng binata?

“Kasi parang lahat naman tayo natatakot mareject.”

Bakit naman naisip na ire-reject, e, umamin naman si Julia na magaan ang loob nito sa kanya?

“Kasi po talaga, wala po ako, ako po kasi ang taong insecure, mababa ang confidence ko,” pagtatapat nito.

Bakit may gan itong pakiramdam niya, e, halata namang may gusto na rin sa kanya ang aktres?

“Pero hindi rin naman ninyo ako masisisi kung ganu’n ang nararamdam­an ko, ganu’n po ako na lumaki na,” saad ni Joshua. Nasubukan na ba niyang ma-reject? “Hindi pa,” kaagad na sagot ng binatilyo. Napikon ba siya sa mga tanong sa kanya? Kaagad siyang nag-thumbs up. Komento ng broadsheet entertainm­ent editor, “Hindi niya napaghanda­an ang mga tanong? Dapat bini-brief muna sila o baka naman hindi siya sumunod.”

Pagkatapos ng Q and A ay agad naming nilapitan ang JoshLia. “Na-tense ako, ha!” bungad ng dalaga. Nasa likod kami nina Josh at Julia na kitangkita naming magkahawak ang mga kamay. Ang kaliwang kamay ng aktor ay panay ang hagod sa beywang ng aktres samantalan­g sa may bandang puwitan naman ng aktor nakahawak ang dalaga.

Tinanong si Julia kung bakit sinasalo niya si Joshua sa Q and A at bakit emosyonal silang dalawa.

“Personally kasi when you see somebody who is special to you, you feel for him, so whatever he’s dealing, I’ll fight for him. I’m very protective,” pahayag ng dalaga.

Katwiran ni Joshua kaya siya emosyonal, “Hindi, kasi, nasabi ko na kasi ‘yung sagot, ayaw ko na lang pahabain pa. Hindi naman ako napikon, ‘yung thumbs off (ibig sabihin), okay lang.”

Sundot ni Julia, “I asked him kasi kung okay lang siya.”

“May mga experience rin naman ako sa buhay na nahi-hit,” dagdag ng aktor. “Actually, tanong ko na lang ang hinihintay din niya, kasi natatakot nga ako.”

Kaya may nagtanong kay Julia kung may nararamdam­an siya kay Joshua.

“Hindi ko naman siya (pinagbawal­an), siyempre pinayagan ko siyang manligaw kasi may gusto rin naman ako talaga sa kanya,” pagtatapat ng dalaga kaya hiyawan ang lahat.

Napatingin si Joshua kay Julia na parang tinatanong na, ‘Tayo na?’

Dagdag pa ng dalaga, “At para hindi na po humaba, ‘yun na po talaga ‘yun.”

“Salamat talaga, kasi gusto niya ako,” masayang sabi ng aktor.

Sa madaling sabi, nagkaamina­n ang JoshLia na mahal nila ang isa’t isa sa presscon ng Love You To The Stars And Back.

Sa Agosto 30 ang playdate ng pelikula nila mula sa direksiyon ni Antoinette Jadaone prodyus ng Star Cinema.

 ??  ??
 ?? Julia, Direk Antoinette at Joshua ??
Julia, Direk Antoinette at Joshua

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines