Balita

Dobleng gold, silver sa triathlon

Double gold kina Nikko at Kim; 1-2 finish sa Pinoy triathles sa SEAG

- Ni REY BANCOD

KUALA LUMPUR – Sa ikalawang araw ng labanan, hindi nagpadaig ang Pinoy at sa ikalawang sunod na edisyon, nakamit ng triathlon ang double gold sa impresibon­g 1-2 finish ng Team Philippine­s sa 29thSouthe­ast Asian Games.

Naidepensa ni Nikko Huelgas ang titulo sa men’s division, habang nabawian ni Kim Mangrobang ang kababayang si Ma. Claire Adorna para sa mas matikas na kampanya ng triathlon sa sports na nadomina rin nila sa Singapore may dalawang traon na ang nakalilipa­s.

Tinapos ni Huelgas, 26, ang karera sa loob ng isang oras, 59 minuto at 21 segundo sa dominanten­g panalo at tanghaling back-to-back champion sa torneo. Nakamit ng kababayang si John Cinco ang silver medal, mahigit isang minuto ang agwat kay Huelgas.

“I’m overwhelme­d with this sweep,” pahayag ni Huelgas, napaluhod sa kanyang pagtawid sa finish line bago itinaas ang kanang kamay hudyat nang tagumpay ng Pinoy at ganti sa maayang pagbubunyi ng mga kababayan.

Matapos ang swimming event sa man-made Putrajaya Lake, kaagad na umabante si Huelgas sa maliit na grupo ng lead pack sa bike leg. Sa pagsisimul­a ng 10-kilometer footrace, wala nang nagtangkan­g dumikit sa Pinoy.

Maliban kay Chicano na humarurot sa huling parte ng karera para marating ang finish line sa tyempong 2:01:26.

Tulad ng kanilang duwelo sa 2015, dikdikan ang laban nina Mangrobang at Adorna. Sa huli, mas nanaig ang silver medal winner sa Singapore edition.

Nailista ni Mangrobang ang bilis na 2:11:14. Nakabuntot si Adorna sa 2:18:58.

Ayon kay Mangrobang, magkasabay sila ni Adorna sa swimming hanggang bike leg, ngunit nagawa niyang makalayo sa running stage.

Sumungkit din ang Team Philippine­s ng isang silver sa fencing at wushu at tatlong bronze para sa kabuuang 3 ginto, 6 na silkver at 6 na bronze na hakot sa team standings.

Nabigo si Samantha Kyle Catantan sa karibal na Singaporea­n sa final ng women’s individual foil, habang nag-bronze ang teammate na si Maxine Esteban.

Nakasikwat ng isa pang silver ang wushu mula kay Agatha Chrystenze­n Wong sa women’s optional taijijian. May dalawang bronze mdeal naman sa archery.

Sa men’s team event, naunguna nina Florante Matan, Luis Gabriel Moreno at Mark Javier ang Indonesia’s Hendra Purnama, Muhammad Hanif Wijaya at Riau Ega Agata Salsabilla, 5-3, sa first round.

Subalit, hindi sila nakaporma sa semifinals kontra kina Haziq Kamaruddin, Khairul Anuar Mohamad and Muhammad Akmal Nor Hasrin ng Malaysia, 6-0. Sa labanan sa brone binokya ng Pinoy ang Vietnam nina Chu Duc Anh, Hoang Van and Van Duy Nguyen, 6-0.

Sa women’s play, ginapi ng Philippine­s ang Vietnam.

Nanaig sina Nicole Marie Tagle, Kareel Meer Hongitan at Mary Queen Ybanez kontra kina Le Thi Thu Hien, Loc Thi Dao at Thi Phuong Nguyen, 6-0.

Sa sepak takraw, umarya ang women’s regu team nina Kristel Carloman, Lhaina Mangubat, Mary ann Lopez, Rizalyn Amolacion at Jean Marie Sumalit para sa bronze.

Sa bowling, panglima sina Jomar Jumapao at Kevin Oliver Cu (2485) sa men’s double na pinagwagih­an nina Alex Liew at Syafiq Ridhwan ng Malaysia.

 ?? ALI VICOY ?? GOLDEN KIM! Ibinida ni Kim Mangrobang ang bandila ng Pilipinas matapos dominahin ang women’s triathlon sa 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.
ALI VICOY GOLDEN KIM! Ibinida ni Kim Mangrobang ang bandila ng Pilipinas matapos dominahin ang women’s triathlon sa 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines