Balita

PAO sa Kian slay: Murder ‘to!

- Nina JEL SANTOS at BETH CAMIA May ulat nina Fer Taboy, Leonel Abasola, at Bella Gamotea

Sinabi kahapon ng hepe ng Public Attorney’s Office (PAO) na magsasampa ng kasong murder ang pamilya ni Kian Loyd delos Santos laban sa mga pulis na pumatay sa 17-anyos na Grade 11 student.

Pinagbabar­il ng mga pulisCaloo­can si delos Santos makaraan umanong manlaban sa anti-drug operation ng pulisya sa Barangay 160 sa siyudad nitong Miyerkules ng gabi.

Ayon kay PAO Chief Persida Acosta, may mga hawak nang ebidensiya ang kanyang tanggapan na magpapatun­ay na murder at hindi homicide ang pagpatay sa binatilyo. ‘TREACHEROU­S WOUND’

Kasama ang ilang forensic doctor ng PAO, tinungo kahapon ni Acosta ang burol ni delos Santos at sinuri ang labi ng binatilyo.

“Nalulungko­t po ako dahil tatlo pong fatal wounds ang nakita, at ‘ yung isa po ay treacherou­s wound,” sabi ni Acosta. “Talaga pong magpa-file ng murder ang family.”

Sinabi ni Acosta na batay sa forensic examinatio­n sa bangkay ni delos Santos, nagtamo ito ng dalawang tama ng bala sa ulo at isang “treacherou­s” na tama ng bala sa katawan. Ayon sa PAO chief, binaril ang estudyante mula sa likod.

Nilinaw na ang pamilya delos Santos ang lumapit sa PAO, ininspeksi­yon din ni Acosta ang lugar kung saan pinatay si delos Santos.

Nag-inspeksiyo­n din kahapon sa crime scene ang mga tauhan ng National Bureau of Investigat­ion (NBI), habang bumisita rin sa burol ni delos Santos kahapon si dating Vice President Jejomar Binay.

Nauna nang dumalaw sa burol ng binatilyo para mag- alok ng ayuda sina Senator Risa Hontiveros at Vice President Leni Robredo.

Una nang iginiit ng Caloocan City Police na drug runner ang binatilyo at pinaputuka­n nito ang mga pulis kaya napilitan silang barilin ang estudyante. Sinabi naman ng mga opisyal ng Bgy. 160 na wala sa kanilang drug watch list ang menor de edad.

Kaagad namang sinibak sa puwesto sina PO3 Arnel Oares, PO1 Jeremiah Pereda, at PO1 Jerwin Cruz, gayundin ang hepe nila sa Police Community Precinct (PCP)-7 na si Chief Insp. Amor Cerillo, at si Caloocan City Police chief Senior Supt. Chito Bersaluna. IMBESTIGAS­YON NG CIDG IPINAMAMAD­ALI

Bukod pa sa isinasagaw­ang imbestigas­yon ng NBI, Commission on Human Rights ( CHR), ng pamahalaan­g lungsod ng Caloocan, ipinaapura naman ni Philippine National Police (PNP) chief Director Gen. Ronald “Bato” dela Rosa sa Criminal Investigat­ion and Detection Group (CIDG) ang sarili nitong pagsisiyas­at para matukoy ang “criminal liability” ng mga pulis na sangkot sa pagpatay kay delos Santos.

Sinabi pa ni dela Rosa na kasabay ng imbestigas­yon ng CIDG, nag-iimbestiga naman ang Internal Affairs Service (IAS) ng PNP sa administra­tibong aspeto ng kaso.

Gayunman, iginiit ni dela Rosa na ang binatilyo ang taga-deliver ng droga para sa ama at tiyuhin nito, batay sa intelligen­ce informatio­n at sa pahayag ng hawak nilang testigo. DRUG TEST

Nagpahayag naman ng kahandaan ang ama at tiyuhin ni delos Santos na sumailalim sa drug test upang patunayang kapwa sila hindi gumagamit ng droga.

“Willing po kaming magpadrug test, kaming pamilya,” sabi ng tiyuhing si Levy delos Santos tiyuhin ni Kian. SENATE PROBE SA HUWEBES

Samantala, sisimulan na sa Huwebes ang pagdinig ng Senate committee on public order ni Sen. Panfilo Lacson kaugnay ng insidente.

Ayon kay Lacson, tatalakayi­n ngayong Martes ng hapon ang resolusyon para opisyal na maisalin sa kanyang komite ang imbestigas­yon, kasunod ng paglagda ng 14 sa 17 na senador na dumalo sa ipinatawag na majority caucus nitong Linggo.

Handa naman ang National Capital Region Police Office ( NCRPO) na humarap sa imbestigas­yon ng Senado sa pagkamatay ni delos Santos.

“At kahit naman po siya ay sabihin na nating drug pusher, kung talaga ngang totoo man, ang tinitingna­n naman po natin dito ay kung siya ay talagang namanhandl­e, at siya ay pinatay nang walang kalaban-laban. Hindi po ‘yung kung siya ay drug pusher or siya ay isang minor,” sabi ni NCRPO chief Director Oscar Albayalde.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines