Balita

Faeldon Faeld kakasuhan sa kapabayaan

- Nina ELLSON A. QUISMORIO at LEONEL M. ABASOLA

Pinag- iisipan ng House Committee on Dangerous Drugs na pinamumunu­an ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Barbers ang kasong kriminal laban kay Bureau of Customs ( BOC) Commission­er Nicanor Faeldon.

Ito ang inihayag ni Barbers sa kabila ng sinabi niyang nakatakdan­g aprubahan ng kanyang panel sa Huwebes ang ulat sa kanilang imbestigas­yon sa pagpuslit ng P6.4 bilyong halaga ng methamphet­amine hydrochlor­ide o shabu sa bansa.

“Aside from gross negligence and incompeten­ce, the Committee is now studying the possible recommenda­tion to prosecute Commission­er Faeldon and others for their apparent disregard to the strict provisions of the law on the chain in the custody of drug evidence,” anang Barbers kahapon.

Ang tinutukoy ng mambabatas ay ang Dangerous Drugs Act of 2002.

Patuloy ang pagdinig ng komite ni Barbers sa pagpasok ng shipment ng illegal drug sa bansa na dumaan sa shipment lanes ng BOC noong Mayo. Ang kontraband­o – idineklara­ng “kitchen equipment” ng EMT Trading -- ay idinaan sa green lane ng BOC, na hindi gaanong mahigpit ang inspeksiyo­n.

Ang pagkakamal­i -- kasama ang gross mishandlin­g ng shabu nang sunod itong masamsam sa joint operation ng BOC at Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA) sa bodega ng HongFei Logistics sa Valenzuela City – ay naging dahilan para maniwala ang mga kongresist­a na patuloy na nagaganap ang katiwalian at anomalya sa ilalim ng pamamahala ni Faeldon.

Sinabi ni Barbers na pananaguti­n din ng komite si Faeldon at iba pa sa paglusob sa bodega sa Valenzuela “without a proper warrant.”

Nakaabang naman ang sambayanan sa “pasasabugi­n” ni Senador Panfilo Lacson sa patuloy na pagdinig ng Senado sa P64 bilyong halaga ng shabu na nakalusot sa BOC.

Sinabi ni Lacson marami siyang impormasyo­n na nagtuturon­g may kinalaman si Faeldon sa mga kurapsyon sa ahensiya. Sinasala pa aniya niya ang mga ito at posibleng mailabas niya ito sa pagdinig ngayong araw, o kung hindi man ay sa kanyang privilege speech.

Iginiit naman ng kampo ni Customs Intelligen­ce and Investigat­ion chief Neil Anthony Estrella na may operasyon para sirain ang kanilang imahe kaugnay sa isyu dahil sa mga nasagasaan nilang drug lords.

Wala namang kumpirmasy­on pa kung makakadalo sa pagdinig ng Senado ngayon ang sinasabing Davao Group (DG) na pinangalan­an ng customs broker na si Mark Taguba sa mga nakalipas na pagdinig.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines