Balita

Novena vs kawalang katarungan

- Ni Mary Ann Santiago

Mag-aalay ng siyam na araw na panalangin para sa pagbabalik-loob at pagpapanib­ago ng puso ng bawat isa ang Diocese of Balanga, Bataan, para sa pangkabuua­ng kapayapaan at kaayusan sa bansa.

Ang naturang panalangin ay isasagawa ng diyosesis simula ngayong Martes, Agosto 22.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (ECMI) ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippine­s (CBCP), lubos na kinakailan­gan ng bayan ang paggabay ng Panginoon sa muling paglaganap ng kaguluhan at takot sa bansa bunsod ng madugong operasyon ng pulisya kontra droga.

Bahagi ng naturang post communion prayer na iaalay ng lahat ng parokya sa buong Diocese of Balanga Bataan ang patuloy na paggabay ng Panginoon sa puso’t isip ng bawat indibiduwa­l na gawin ang tama at ang kaloob ng Diyos para sa sanlibutan.

Bahagi rin ang pananalang­in para sa lahat ng biktima ng kawalang katarungan sa lipunan, partikular na ang mga napatay sa serye ng madudugong operasyon ng pulisya sa iba’t ibang lugar sa Bulacan at Metro Manila noong nakaraang linggo.

Tiniyak din ni Santos na kaisa sila ng pamilya ni Kian Loyd delos Santos sa paghahanap ng katarungan para sa 17anyos na Grade 11 student na pinaslang ng tatlong pulis-Caloocan sa Barangay 160 sa lungsod nitong Agosto 16.

“Innocent life is lost with irresponsi­ble and unlawful enactment of law. They should be severely investigat­ed and prosecuted. Truth should prevail and justice be duly served,” ani Santos.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines