Balita

Trike sinalpok ng taxi, 3 sugatan

- Bella Gamotea

Sugatang dinala sa Pasay City General Hospital ang tatlong sakay sa isang tricycle matapos itong banggain ng rumaragasa­ng taxi sa Buendia flyover sa Pasay City, kahapon ng madaling araw.

Nagtamo ng mga sugat at pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan sina Elmer Carreon, nasa hustong gulang, tricycle driver; Rafael Javonillo; at Josefina Campo, nasa hustong gulang, kapwa pasahero at nakatira sa Libertad, Pasay City.

Sa ulat ni Ambrosio Payumo Jr., ng Pasay City Traffic Enforcemen­t Unit, nangyari ang aksidente sa southbound lane ng Buendia-Roxas Boulevard flyover sa lungsod, dakong 1:00 ng madaling araw.

Binabagtas ng tricycle ni Carreon ang Roxas Blvd. nang pagakyat sa Buendia flyover ay bigla itong sinalpok ng rumaragasa­ng Jing & Jone taxi (ADB-501).

Sa lakas ng pagkabangg­a, tumama ang ulo ni Carreon sa windshield ng taxi habang tumilapon naman palabas ng tricycle sina Javonillo at Campo.

Nayupi rin ang unahang bahagi ng taxi at nabasag ang windshield nito, habang mabilis namang tumakas ang taxi driver.

Gayunman, isang driver’s license ang narekober sa kalsada malapit sa taxi na posibleng pagaari ng tumakas na driver.

Makikipag-ugnayan naman ang awtoridad sa operator ng taxi upang matukoy ang pagkakakil­anlan ng driver.

Sinabi ni Payumo na mahigpit na ipinagbaba­wal sa mga pangunahin­g kalsada, gaya ng Roxas Blvd., ang mga tricycle at kuliglig.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines