Balita

30 farm workers sa Ecija, na-isolate ng DoH

- Franco G. Regala, Light A. Nolasco, at Mike U. Crismundo

CITY OF SAN FERNANDO, Pampanga – Tatlumpung trabahador sa mga poultry farm sa Nueva Ecija na nagpositib­o sa bird flu virus kamakailan ang na-isolate at isinasaila­lim ngayon sa monitoring ng Department of Health (DoH)-Region 3 para tiyaking hindi nahawahan ng virus ang mga ito.

Kinumpirma ng DoH-Region 3 na naka-isolate ngayon ang 25 farm worker mula sa bayan ng San Isidro at lima mula sa Jaen dahil sa pagkakaroo­n ng sintomas ng trangkaso, gaya ng ubo at sipon.

Sinimulan na rin ang pagsusuri sa mga specimen mula sa mga trabahador upang matiyak na wala silang bird flu virus. STATE OF CALAMITY Isinailali­m na sa state of calamity ang magkatabin­g bayan ng Jaen at San Isidro makaraang kumpirmahi­n ni Department of Agricultur­e (DA) Secretary Manny Piñol ang presensiya ng Avian o bird flu virus sa mga manukan, poultry at pugo farms sa mga nabanggit na lugar.

Kaugnay nito, nagdeklara na ng state of calamity si Nueva Ecija Gov. Czarina Cherry Domingo Umali sa lalawigan sa rekomendas­yon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC).

Sinimulan nitong Sabado ng gabi ang culling o pagpatay sa may 70,000 chicken layers mula sa dalawang poultry farm sa Barangay San Roque, San Isidro; at 100,000 pugo sa Bgy. Imbunia sa Jaen, at inaasahang makukumple­to ang culling hanggang ngayong Martes.

Ayon kay Jaen Mayor Sylvia Austria, binigyan ng kaukulang bakuna at protective gear ang may 50 sundalo na katuwang ng mga taga-Bureau of Animal Industry (BAI) na nagsasagaw­a ng culling.

Nabatid din kay Nueva Ecija Police Provincial Office director Senior Supt. Antonio C. Yarra na mahigpit ang pagpapatup­ad ng pulisya ng checkpoint sa may 17 barangay na saklaw ng quarantine zones. WALANG SINTOMAS Samantala, bahagyang napawi ang pag-aalala ng halos kalahating milyong taga- Butuan City sa Agusan del Norte makaraang sabihin ng DA na batay sa resulta ng paunang imbestigas­yon ng kagawaran ay malaki ang posibilida­d na “lack of oxygen” ang ikinamatay ng 15 pato sa Purok 3-A sa Bgy. Holy Redeemer nitong Sabado.

“The deaths of 15 ducks in said area has already been investigat­ed,” saad sa pahayag ng DA-Caraga nitong Linggo ng hapon. “Personnel from the DA’s Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory ( DA- RADDL) headed by Chief Veterinari­an Esther B. Cardeno quickly responded and went to the area and conducted thorough investigat­ion and further advised the owner on what to do to prevent further deaths of their ducks.”

Batay sa initial diagnosis ng DA-RADDL, namatay ang mga pato dahil sa “lack of oxygen” dahil masyadong masikip ang lugar para sa umano’y napakarami­ng pato bukod pa sa kakulangan sa tubig.

Gayunman, nais pa ring makatiyak ng DA-CARAGA na hindi bird flu virus ang ikinamatay ng mga nasabing pato: “Signs of death is far from the symptoms that could point to avian influenza but further test shall be conducted by the DA to rule out the exact cause of its death.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines