Balita

Daan-daang libong gramo ng shabu

-

DALAWANGba­gay ang nabunyag sa imbestigas­yon ng Kongreso sa pagkakasam­sam noong Mayo ng 600 kilo ng shabu na nagkakahal­aga ng P6.4 bilyon sa dalawang bodega sa Valenzuela City matapos na makalusot ang mga ito sa Bureau of Customs.

Una ay ang kurapsiyon na nagpapahin­tulot upang maipuslit sa Customs ang mga kargamento nang hindi na iniinspeks­iyon at ang sisyema ng “tara” o suhol na umano’y ibinibigay ng mga importer upang mapabilis ang paglalabas ng kanilang mga kargamento.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee nitong Martes, sa una ay tumanggi si Customs Commission­er Nicanor Faeldon na sagutin ang ilang direktang katanungan ni Senator Antonio Trillanes IV. Gayunman, matapos balaan ng chairman ng komite na si Sen. Richard Gordon ay inamin niyang batid niya ang tungkol sa sistema ng “tara” ngunit hindi siya maaaring maglunsad ng imbestigas­yon laban dito nang nag-iisa. Sinabi niyang ang mga katrabaho niya sa kawanihan “are the people I suspect to do all this ‘tara’, so how can I designate them to conduct the investigat­ion?”

Matagal nang problema ang kurapsiyon sa Bureau of Customs, ngunit tiyak na hindi lamang ito sa kawanihan nangyayari. Ang halagang sangkot, na aabot sa daan-daang libong piso, ay masasabing kakarampot kung ikukumpara sa milyun-milyong pisong halaga ng kasong plunder na naihain na laban sa ilang opisyal, kabilang ang mga miyembro ng Kongreso.

Ang mas malaking usapin na lumutang sa isinasagaw­ang imbestigas­yon ng mga mambabatas ay ang napakalaki­ng bulto ng droga na nagawang maipasok sa bansa, hindi sa karaniwang paraan ng smuggling, kundi sa pamamagita­n ng Bureau of Customs.

Sa kaparehong araw na tumestigo si Commission­er Faeldon sa Senado, nagkasa naman ang pulisya sa Bulacan ng malawakang kampanya laban sa mga hinihinala­ng sangkot sa droga. Pumatay sila ng may kabuuang 21 lalaki na ayon sa kanila ay nanlaban sa pagdakip ng mga pulis sa 12 bayan at lungsod sa Bulacan sa loob lamang ng siyam na oras. Kabilang sa mga napaslang ang dalawang lalaki sa Obando na nakumpiska­han ng 50 gramo ng shabu; habang ang isa pa sa Balagtas na may tatlong gramo. Sa pagtatapos ng magdamagan­g operasyon, sinabi ng pulisya na aabot sa 100 gramo ng droga ang kabuuan ng nasamsam nila.

Lubhang kakapirang­got ang 100 gramo ng shabu kung ikukumpara sa 600 kilo — o 600,000 gramo — na naipuslit sa Customs at nadiskubre lamang sa isang raid sa Valenzuela City. At gaano karami pang kontraband­ong gaya nito ang nagawang makalusot sa lahat ng harang upang mapatindi pa ang pagiging talamak ng droga sa buong bansa?

Naisampa na ang mga kaso laban sa mga importer at broker na sangkot sa pagkakapus­lit ng 600,000 gramo ng shabu na nasamsam sa Valenzuela City. Sa ibang panig ng bansa, posibleng mayroong daan-daang libong gramo pa ng droga ang nakalusot sa Customs. Ilan pang buhay ng mga adik ang masisira ng mga kontraband­ong ito, at ilan pang buhay ang mawawala sa tuluy-tuloy na kampanya ng pulisya bago tuluyang matuldukan ang banta ng droga sa ating bansa?

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines