Balita

Rizal, most competitiv­e province sa Pilipinas

- Clemen Bautista

SAikalawan­g pagkakatao­n, muling kinilala ang Rizal bilang Most Competitiv­e Province sa buong Pilipinas. Ang pagkilala ay ipinagkalo­ob ng National Competitiv­eness Council at ng Department of Trade and Industry (DTI) sa 5th Regional Competitiv­eness Summit sa Philippine Internatio­nal Convention Center (PICC) nitong Agosto 16, 2017. Ang pagkilala ay tinanggap ni Rizal Governor Rebecca “Nini” Ynares.

Bukod sa pagkilala sa Rizal bilang Most Competitiv­e Province, kinilala naman ang Antipolo City bilang Most Competitiv­e Component City of the Philippine­s. Ang pagkilala ay tinanggap ni Antipolo City Mayor Jun Ynares.

Tatlong bayan naman sa Rizal ang kinilalang Most Competitiv­e Municipali­ty of the Philippine­s sa kategorya ng first at second-class municipali­ties. Nanguna ang Cainta, kasunod ang Taytay at Angono.

Ang mga pagkilala ay tinanggap nina Cainta Mayor Keith Nieto, Taytay Mayor Juric Gacula, at Angono Mayor Gerry Calderon.

Kinilala naman ang bayan ng Cardona bilang Most Competitiv­e Municipali­ty sa kategorya ng 3rd hanggang 4th class municipali­ty. Ang pagkilala ay masayang tinanggap ni Cardona Mayor Benny San Juan, Jr. Ang iba pang mga bayan sa Rizal ay napabilang sa top ten sa iba’t ibang kategorya.

Ang pagpili at pagkilala ay ibinatay sa over all score ng bawat local government unit sa apat na kategorya tulad ng economic dynamism, governance efficiency, infrastruc­ture at resiliency. Ang mga nabanggit ang kumakatawa­n sa paniniwala ng Council na mga pangunahin­g essential element ng competitiv­eness. Umabot naman sa 7,400 munisipali­dad sa buong bansa ang pinagpilia­n ng National Competitiv­eness Council.

Sa panayam sa telepono ng inyong lingkod kay Rizal Gov. Ynares, sinabi niyang ang tagumpay ng lalawigan ay bunga ng patuloy na suporta at pakikipagt­ulungan ng mamamayan, ng mga namumuno sa iba’t ibang bayan, at sa mga programa at proyektong inilulunsa­d ng pamahalaan­g panlalawig­an. Aag tagumpay ng Rizal ay hindi lamang tagumpay ng pamahalaan­g panlalawig­an kundi ng buong lalawigan at ng lahat ng Rizalenyo, aniya.

Nagagalak din ang gobernador­a sapagkat bukod sa ang Antipolo ang napiling Most Competitiv­e Component City ay maraming bayan sa Rizal ang binigyan ng pagkilala ng National Competitiv­e Council sa iba’t ibang kategorya.

Sa pahayag naman ni Antipolo Mayor Jun Ynares, sinabi niya na ang tagumpay ng Antipolo ay bunga, hindi lamang ng pakikipagt­ulungan ng mga taga-Antipolo, kundi ng collaborat­ion at pakikiisa ng iba’t ibang sektor. Ipinaliwan­ag ng mayor kung paano nakamit at nagtagumpa­y sa apat na kategorya o level ng pamamahala. Sa economic dynamics, hiniling niya ang pakikipagt­ulungan ng sektor ng entreprene­ur gayundin ang mga kilalang business conglomera­te na ang Antipolo ang magiging tahanan ng kanilang pambansa at pandaigdig­ang negosyo.

Upang makamit ang governance efficiency, hiniling niya ang pakikipagt­ulungan ng kanilang public service work force, at ng mga ahensiya ng gobyerno na may mga tanggapan sa Antipolo. Sa larangan ng infrastruc­ture, nakiisa ang pamahalaan­g lungsod sa...

mga proyekto ng gobyerno, at sa mga pribadong kumpanya na nangangasi­wa sa pagkakaroo­n ng mga kailangang kuryente at tubig ng mga residente at mga business establishm­ent.

Sa resiliency, nakikipagt­ulungan ang Antipolo sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, lokal at pambansa, pribadong sektor, non-government organizati­ons at mga boluntaryo­ng grupo na ibinahagi ang kanilang kaalaman, expertise at ibang resources para sa disaster preparedne­ss.

Sa pagkakapil­i sa Rizal bilang Most Competitiv­e Province sa magkasunod na taon, ang Antipolo bilang Most Competitiv­e Component City, ang Cainta, Taytay, Angono, Cardona at iba pang bayan sa Rizal ay isang maliwanag na pruweba ng maayos na pamamahala at paglilingk­od ng mga namuuno sa lalawigan at sa mga nabanggit na bayan.

Congrats po, Gob. Nini at sa mga mayor sa Rizal na ginawaran ng pagkilala ng National Competitiv­eness Council.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines