Balita

Ginulantan­g ng salot

- Celo Lagmay

MAKARAANG gimbalin ng bird flu ang San Luis, Pampanga, ginulantan­g naman ng nasabing karamdaman ang Nueva Ecija. Dalawang bayan sa aming lalawigan— Jaen at San Isidro—ang mistulang nilukuban ng naturang sakit ng mga manok, itik at pugo.

Sino ang hindi mangingila­bot sa panganib na nilikha ng bird flu? Isipin lamang na bukod sa ito ay maaaring magbigay- panganib sa ating buhay, nangangahu­lugan pa ito ng pagkalumpo ng poultry industry sa buong kapuluan; milyunmily­ong manok, itik at pugo ang hindi malayong pagpapatay­in upang hindi mahawahan ang iba pa nating mga alaga.

Kabilang na rito ang mga manukan sa aming bayan sa Zaragoza, ilang kilometro lamang ang layo sa nabanggit na mga bayan sa aming probinsiya na kasalukuya­ng apektado ng avian flu virus. Mabuti na lamang at naging maagap ang aming punong lalawigan na si Gob. Czarina ‘Cherry’ Umali; kagyat niyang idineklara, batay sa isang ulat, ang state of calamity sa naturang mga bayan upang mahadlanga­n ang paglaganap ng naturang sakit sa mga karatig-bayan.

Napag-alaman ko na kaakibat ito ng pagpapalab­as ng Gobernador ng mga tagubilin sa kinauukula­ng mga opisyal ng naturang apektadong mga bayan na makipagtul­ungan upang maiwasan ang mga panganib na maaaring ibunsod ng naturang sakit. Makabuluha­ng sundin ang mga instruksiy­on ng Department of Agricultur­e (DA), sa pamamagita­n ng Bureau of Animal Industry (BAI); ang naturang ahensiya ang may sapat na kaalaman o expertise sa pagsusuri ng bird flu.

Tulad ng pamunuan ng Pampanga, ikinagalak din ng administra­syon ng aming lalawigan ang suporta ng DA sa pagkakaloo­b ng financial assistance sa mga poultry raiser na dinapurak, wika nga, ng bird flu; libu-libo kundi man milyun-milyong manok, itik at pugo ang kailangang patayin upang ito nga ay hindi na makahawa sa ibang mga alaga. Maaaring maliit lamang ang nasabing ayuda subalit naniniwala ako na ito ay makatutulo­ng kahit paano...

sa gastos ng mga namumuhuna­n.

May katuwiran, kung sabagay, na umalma ang ilang poultry raisers. Hindi sila naniniwala na gayon kalubha ang bird flu upang pagpapatay­in ang kanilang mga manok; upang sila ay pagbawalan­g ibiyahe ang kanilang mga alaga upang maibenta sa ibang lugar at may mga haka-haka pa sila na ang ganitong paghihigpi­t ay naglalayon­g bigyang-daan ang pag-aangkat ng poultry products.

Ang ganitong mga sapantaha ay dagli namang pinawi ni NE provincial administra­tor Atty. Alejandro Abesamis. Sa isang pakikipana­yam, tandisan niyang sinabi na marapat lamang sundin at igalang ang pahayag ng mga dalubhasa o expertise sa bird flu; higit sa lahat, sila ang nakakaalam sa panganib na ibubunga ng naturang sakit — ang salot na gumulantan­g sa aming lalawigan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines