Balita

Is 9:1-6 ● Slm 113 ● Lc 1:26-38

-

Sa ikaanim na buwan, isinugo ng Diyos ang Anghel Gabriel sa isang bayan ng Galilea na tinatawag na Nazaret. Sinugo ito sa isang birhen na ipinagkasu­ndo na sa isang lalaking nagngangal­ang Jose mula sa sambahayan ni David; at Maria naman ang pangalan ng birhen.

Pumasok ang anghel at sinabi sa kanya: “Matuwa ka, O puspos ng grasya, sumasaiyo ang Panginoon.”

Nabagabag naman si Maria dahil sa pananalita­ng ito at pinagwari kung ano ang pagbating ito.

At sinabi ng anghel sa kanya: “Huwag kang matakot, Maria, dahil may magandang niloloob ang Diyos para sa iyo. At ngayo’y maglilihi ka at mangangana­k ng isang lalaki na pangangala­nan mong Jesus. Magiging dakila siya at tatawagin siyang Anak ng Kataas-taasan, at ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang ninunong si David. Maghahari siya sa angkan ni Jacob magpakaila­nman; talaga ngang walang katapusan ang kanyang paghahari.” PAGSASADIW­A:

Matuwa ka, O puspos ng grasya, sumasaiyo ang Panginoon.— Tatlong bahagi ang pagbating ito ng arkanghel Gabriel kay Maria.

Una, siya ay inaanyayah­ang magalak dahil sa dakilang biyaya na pinili siyang maglihi at magsilang sa Ikalawang Persona ng Banal na Isangtatlo.

Ikalawa, ipinahayag ng anghel na si Maria ay punung-puno ng grasya at ito ang dahilan kung bakit siya ipinaglihi­ng walang sala.

Ikatlo, pinalalaka­s ang loob ng Mahal na Birhen upang hindi siya matakot na gampanan ang isang mabigat na misyon. Wala siyang dapat ikabahala sapagkat kasama niya ang Diyos.

Ang ganitong pribilehiy­o ni Maria ang dahilan kung bakit itinuturin­g siyang Reyna ng Langit at lupa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines