Balita

Barbie, enjoy sa bakasyon grande sa U.S.

- Ni NORA CALDERON

INI-

ENJOY ni Barbie Forteza ang pagbabakas­yon sa iba’t ibang lugar sa United States, pero sa pinuntahan­g sister niyang based sa Chicago siya umuuwiuwi.

Ito ang birthday gift niya sa sarili pagkatapos niyang maging 20 years old last July 31 at ng sunud-sunod na trabaho niya sa GMA-7.

Si Jak Roberto, ang sinasabing boyfriend ni Barbie at isa sa naging leading men niya sa Meant To Be ng GMA 7 ang natanong namin last Sunday sa Sunday Pinasaya kung kailan ang balik ni Barbie na umalis last August 16.

“Sa August 24 po, ini-enjoy muna niya ang bakasyon niya na matagal na niyang plinano,” sagot ni Jak. “Nakikita ko po mga posts niya.”

Ngumiti lang si Jak nang tanungin kung sila na ba talaga ngayon ni Barbie, dahil sa sinulat nito sa candle balloon na pinalipad nito sa Rensselaer, Indiana sa ginanap na taunang Shine Festival doon. Ang sinulat ni Barbie: “Monay at Pandesal Sana Magtagal.”

Si Monay ay siya at si Pandesal ay si Jak. Nag-comment ang friend na si Joyce Ching na hindi raw dapat bumagsak ang candle balloon at sagot ni Barbie: “Oo eh, bad sign pag bumagsak, buti na lang umabot ng Indiana.”

Nag-post birthday celebratio­n si Barbie sa The Signature Room habang nasa 95th floor sila, at ang post niya, sa sarap daw ng food ay nakalimuta­n niyang nasa ganoong kataas na building sila sa Chicago.

Todo-shopping din si Barbie, na nagpost din ng: “Ubusan na ito. Minsan lang naman, eh.”

Nalibot din niya ang ilang lugar sa New York City, like Statue of Liberty, Rockefelle­r Center, Times Square, at nang makarating na siya sa pamosong restaurant ng Serendipit­y III, post ni Barbie: “Sa wakas!!! O siya uwian naaaa!!!”

Kasama ni Barbie sa lahat ng lakad niya ang older sister niya.

This Thursday na babalik ng 'Pinas si Barbie, at iri-resume na niya ang shooting nila ni Ken Chan ng first movie nila sa Regal Films na idinidirih­e ni Joel Lamangan.

Back to Jak, wala pa raw sinasabi sa kanila kung kailan ang book two ng Meant To Be, pero naggi-guest naman daw silang apat sa ibang shows ng GMA at regular na ulit siyang napapanood sa Sunday Pinasaya, Dear Uge at Bubble Gang. Si Ken naman ay regular ding napapanood sa Day Off with Janine Gutierrez for GMA News TV every Saturday evening.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines