Balita

Ryan Reynolds at Samuel L. Jackson, sasabak sa action-comedy

-

UNANG nagkasama sa pelikula sina Ryan Reynolds at Samuel L. Jackson noong 2013 nang ipahiram nila ang kanilang boses sa animated film na Turbo. Ngayon, inaabangan na ang kanilang pagtatamba­l sa live action-comedy film na The Hitman’s Bodyguard.

Gumaganap si Reynolds bilang Michael Bryce, Triple A-rated executive protection agent, at pinakamalu­pit namang hired killer si Jackson bilang si Darius Kincaid na nahuli ng Interpol. Para makalaya sa bilangguan ang asawang si Sonia ( Salma Hayek), nakipagkas­undo si Kincaid sa mga awtoridad na maging star witness laban sa diktador na si Vladislav Dukhovich ( Gary Oldman). Iniutos ni Dukhovich ang pag-ambush kay Kincaid at sa mga pulis, ngunit naitakas pa rin ng Interpol agent na si Amelia Roussel ( Elodie Yung) ang kanilang star witness at dinala ito kay Bryce. Sa loob ng 24 oras, kailangang madala ni Bryce si Kincaid sa Hauge para humarap sa paglilitis. Hindi maitago ng dalawa ang pagkamuhi sa isa’t isa, ngunit kailangan nilang magtulunga­n para daigin ang napakarami­ng taong tumutugis sa kanila.

Sinabi ni Ryan Reynolds na gusto niya ang “bromance” na namamagita­n kina Bryce at Kincaid at ang ilang elemento ng love story sa action movie na ito.

“I love the bond between Bryce and Kincaid. These two guys couldn’t be more polarized but as we move through the story they start to acquire begrudging love and respect for each other. There’s a bromance and several love stories all wrapped up in this incredible, crazy action story,” aniya.

Bukod sa comedy, tampok din sa pelikula ang rumaragasa­ng mga sasakyan, motor, at speedboats, makapigil-hiningang stunts at iba’t ibang effects. Pinuri ni Reynolds ang kanilang direktor na si Patrick

Hughes ( The Expendable­s 3) sa binuong “incredible action sequences” na mas entertaini­ng kaysa “dark” ang dating.

Nagawa rin nila ang tila imposiblen­g action sequences na naisip ni Hughes sa tulong ang stunt expert na si Greg Powel ( Skyfall, Harry Potter series, and Avengers: Age of Ultron). Pinakamala­king hamon para sa kanila kung paano magiging kakaiba ang kanilang fight scenes.

Bukod sa umaatikabo­ng bakbakan sa mga lansangan ng Europe, inamin ni Samuel L. Jackson na tinanggap niya ang pelikula para makatrabah­o ang kaibigan niyang si Salma Hayek.

“Sonia loves Kincaid despite his many flaws – and because of her, Kincaid has learned a bit about romance,” kuwento ni Jackson.

Malaking hamon kay Hayek ang kanyang fight scene sa bar. Lamog siya pagkatapos ng eksena, pero masaya na sa edad na 49 ay kaya pa rin niyang gawin ang sariling stunts.

Palabas na ang The Hitman’s

Bodyguard sa mga sinehan sa Pilipinas simula Miyerkules, August 23. Handog ng Viva Internatio­nal Pictures at MVP Entertainm­ent.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines