Balita

Obi-Wan Kenobi, magkakaroo­n ng sariling ‘Star Wars’ movie

- Reuters

BUMUBUO

ang Walt Disney Co ng isang Star Wars stand- alone movie batay sa beloved character na si Obi-Wan Kenobi, ang pantas at maginoong Jedi master.

Iniulat ng Hollywood Reporter na sinabi ng unnamed sources na nasa early stages of developmen­t na ang proyekto ng Disney at Lucasfilm.

Wala pang script ang proyekto ngunit ang British filmmaker na si

Stephen Daldry, kilala sa kanyang 2000’s ballet movie na Billy Elliott, ay nasa early talks para idirehe ito.

Tumanggi ang Disney na magkomento. Binili ng Disney ang Lucasfilm ng Star

Wars creator na si George Lucas noong 2012 ng $4 billion at inihayag ang bagong trilogy ng mga pelikula na sumusubayb­ay sa space saga gayundin ang tatlong standalone Star Wars projects na nakatuon sa mga istorya sa labas ng central tale ng pamilya Skywalker.

Inilabas ng Disney ang unang standalone Star Wars story sa Rogue One noong 2016, na nagtatampo­k sa mga bagong karakter at istorya na iniugnay sa nagpapatul­oy na saga.

Isang Han Solo movie ang nasa produksiyo­n ngayon, tampok ang younger version ng freewheeli­ng space smuggler na ginampanan ni Harrison Ford sa original Star Wars trilogy of films. Si Kenobi, isang ermitanyo na ginampanan ng namayapang British actor na si Alec Guinness, ay mentor ni Luke Skywalker at nagpakilal­a sa batang mandirigma sa Force sa unang pelikula ng Star Wars noong 1977. Kalaunan ay pinaslang si Kenobi ng kanyang dating estudyante, ang kontrabida­ng si Darth Vader. Si Ewan McGregor ang gumanap sa naturang karakter sa second trilogy ng Star Wars films mula 1999 hanggang 2005. Sinabi ng Hollywood Reporter na wala pang nakukuhang aktor para sa stand-alone project. Ibinabalik ng Star Wars: The Force Awakens, ang first installmen­t ng Disney sa bagong trilogy sa revamped franchise, ang beloved characters na sina Princess Leia, Luke Skywalker at Han Solo at ipinakikil­ala ang bagong henerasyon. Tumabo ito ng mahigit $2 bilyon sa world box office matapos itong ilabas noong 2015. Ang susunod na pelikula, ang Star Wars: The Last Jedi, ay nakatakdan­g ipalabas sa Disyembre.

 ?? Alec ??
Alec

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines