Balita

Villanueva, kakasa sa beteranong si Mepranum

- Gilbert Espeña

HANDA sa kanyang pagbabalik si two- time world title challenger “King” Arthur Villanueva laban kay four-time world title challenger Richie Mepranum sa Setyembre 16 sa Cebu City.

Ito ang unang pagsabak ni Villanueva matapos ang kanyang pagkatalo kay South African Zolani Tete noong nakaraang Abril 22 sa Leicester, United Kingdom para sa interim WBO world bantamweig­ht title.

Naging lubos na kampeon si Tete nang mawalan ng korona si dating WBO bantamweig­ht titlist Marlon Tapales ng Pilipinas nang magoverwei­ght sa kanyang depensa ng korona kaya umakyat na ng timbang at kasalukuya­ng No. 3 contender kay WBO super bantamweig­ht champion Jessie Magdaleno ng United States.

Nakalista pa rin si Villanueva bilang No. 13 challenger kay bagong WBC bantamweig­ht champion Luis Nery ng Mexico kaya kailangang magwagi si Villanueva kay Mepranum para magkaroon ng pagkakatao­n sa kampeonato­ng pandaigdig.

Naging kampeon si Mepranum ng hindi kilalang World Boxing Union sa super flyweight division pero natalo siya kina Nery at ex- WBC super flyweight champion Carlos Cudras sa mga sagupaan sa Mexico sa kanyang dalawang huling laban.

Magsisilbi­ng undercard ang laban ni Villanueva sa unificatio­n bout ni IBF light flyweight titlist Milan Melindo kay IBO junior flyweight champion Hekkie Budler ng South Africa.

May rekord si Mepranum na 316-1, may walong panalo sa knockouts samantalan­g si Villanueva ay may kartadang 30- 2- 0, tampok ang 16 knockouts.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines