Balita

PH volleybell­es, ‘di padadaig sa SEAG

- Rey Bancod

KUALA LUMPUR – Limang araw pa ang hihintayin ng Pinay volleybell­es bago ang unang salang sa laban kung kaya’t sinikap ni national wome’s coach Francis Vicente na mapayapa ang kanilang damdamin at kaisipan bago ang malaking laban.

At imbess na ensayo, pamamasyal ang unang ibinigay ni Vicente sa Nationals.

“I believe that we can compete with any team except Thailand,” kumpiyansa­ng pahayag ni Vicente.

Sa panalo sa Vietnam sa nakalipas na Asian seniors volleyball championsh­ip, klaro na kaya ng Pinay na arukin ang lalim ng karibal.

“Gusto ko sana kumuha ng mga six-footers na bata pa, pero after I realized that we needed immediate good results so I took the best available talents,” aniya.

Inamin ni Vicente na naging kontrabida siya sa naturang pahayag kung kaya’t magaas niyang tinaggap ang birada ng mga tagahanga sa social media.

“At first, sumagot ako. I told them I could only take 12 players. After a while, it was best just to ignore,” aniya.

Ngunit, may isang alas na naiwan sa Pinas – si Myla Pablo ng Ateneo.

“I wanted her so badly. Pero hindi siya sumipot. She could have added more firepower to the team,” paliwanag ni Vicente.

Bilang paghahanda, nagsasanay din ang koponan sa Japan kung saan natutunan nila ang kahalagaha­n ng katatagan at sakripisyo.

“Yun ang kulang sa team,” sambit ni Vicente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines