Balita

NAT’L DAY OF PROTEST

Pasok sa gobyerno, public schools kanselado bukas

- Nina BETH CAMIA, ARGYLL CYRUS GEDUCOS, at MARY ANN SANTIAGO

Kanselado ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno at sa lahat ng pampubliko­ng paaralan bukas, makaraang ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Setyembre 21 bilang National Day of Protest.

Ito ay kaugnay na rin ng inaasahang malawakang kilosprote­sta na ilulunsad sa iba’t ibang panig ng bansa bukas, Setyembre 21, ang ika-45 taon ng pagkakadek­lara ng batas militar ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Gayunman, nilinaw ni Presidenti­al Spokesman Ernesto Abella na hindi holiday bukas, gaya ng unang pinaplanon­g ideklara ng Pangulo.

“The acting executive secretary will issue a memorandum circular in government offices, both national and local, as well in all public schools and state colleges and universiti­es,” sinabi ni Abella kahapon ng umaga.

“Regarding private companies: suspension of work in private companies, and classes in private schools in the affected areas is left to the discretion of their respective heads,” dagdag pa ni Abella.

QUAKE DRILL IPINAGPALI­BAN

Kasabay nito, ipinagpali­ban ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang ikatlong nationwide simultaneo­us earthquake drill na unang itinakda bukas.

Mismong si Defense Secretary Delfin Lorenzana ang naghayag na kanselado na ang shake drill, kasunod na rin ng deklarasyo­n ni Pangulong Duterte na National Day of Protest bukas.

Sinabi ni Mina Marasigan, tagapagsal­ita ng NDRRMC, na pag- aaralan pa nila ang petsa kung kailan gagawin ang 3rd quarter national simultaneo­us drill.

Samantala, tiniyak naman ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang seguridad ng mga dadalo sa malaking rally bukas sa Quirino Grandstand.

SEGURIDAD SA RALLY

Ayon kay Manila Police District ( MPD) Director Chief Supt. Joel Napoleon Coronel, 5:00 ng umaga pa lamang ay ipapakalat na sa lungsod ang may 1,400 pulis, kabilang ang 600 mula sa MPD at 900 augmentati­on force mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) para magbantay sa seguridad, partikular na sa rally sa Luneta.

Tiniyak din ni Coronel na wala silang natatangga­p na anumang seryosong banta sa seguridad sa protesta kaugnay ng ika- 45 anibersary­o ng batas militar.

“None so far. In fact, as announced by the President, he will allow these rallies and recognize the right of the people and the public to express their grievances. In fact, he will allow them to conduct their rallies in that area,” ani Coronel.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines