Balita

R10 minimum fare hinirit sa LTFRB

- Jun Fabon at Alexandria Dennise San Juan

Pormal na naghain kahapon ng petisyon sa Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board (LTFRB) para sa P2 dagdag sa minimum na pasahe ang mga leader ng mga samahan ng mga jeepney operator at driver.

Kabilang sa mga pumirma sa petisyon sa tanggapan ng LTFRB sa Quezon City ang mga leader ng Pasang Masda, Alliance of Concerned Transport Organizati­ons (ACTO), Alliance of Transport Operators & Drivers Associatio­n of the Philippine­s (ALTODAP), League of Transport Operators of the Philippine­s (LTOP), at Federation of Jeepney Operators and Drivers Associatio­n of the Philippine­s (FEJODAP).

Mula sa P8 na minimum na pamasahe, hinihiling ng mga nabanggit na transport group na maging P10 na ang pasahe sa jeepney.

Saklaw ng fare hike petition ang Metro Manila at Regions 3 at 4.

Iginiit ng mga jeepney operator at driver na kailangan nang itaas ang pasahe dahil sa patuloy na pagtaas ng halaga ng produktong petrolyo at spareparts ng sasakyan.

Humingi rin ang mga nasabing grupo ng pang-unawa sa mga pasahero, at sinabing matagal na rin silang nagtitiis sa kakarampot na perang naiuuwi nila sa kanikanila­ng pamilya matapos ang maghapon o magdamag na pamamasada.

Samantala, sinabi ni LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada na masusing pag-aaralan ng ahensiya ang petisyon dahil “3.2 million passengers” ang maaapektuh­an sa taas-pasahe.

Aniya, iimbitahan ng LTFRB ang grupo ng mga commuter sa pagdinig sa Miyerkules, Setyembre 27, kaugnay ng petisyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines