Balita

Piyansa ni Jinggoy, babawiin

- Czarina Nicole O. Ong

Sa kabila ng pagpayag ng Fifth Division na makalaya sa kulungan si dating senador Jose “Jinggoy” Estrada matapos magbayad ng P1.330 milyong piyansa para sa kasong plunder, dapat pa ring pagkatiwal­aan ang Sandiganba­yan justices, ayon kay Ombudsman Special Prosecutor Edilberto Sandoval.

Sa press conference na ginanap kahapon sa Office of the Ombudsman sa Agham Road in Quezon City, sinabi ni Sandoval sa mga mamamahaya­g na hindi nawala ang tiwala niya sa institusyo­n sa kabila ng Estrada resolution.

“I still trust that the Sandiganba­yan cannot be controlled by politics,” aniya.

Umaasa si Sandoval, dating Presiding Justice ng Sandiganba­yan, na mababawi ang pagbigay ng piyansa kay Estrada dahil maghahain na sila ng motion for reconsider­ation (MR).

Sa kanilang MR, igigiit ni Sandoval at ng kanyang grupo na hindi maaaring ang “main plunderer” doctrine kay Estrada dahil siya ay co-accused kasama ang ilang pribadong indibidwal, gaya ni Janet Lim Napoles, sa multi-million priority developmen­t assistance fund (PDAF) scam.

Inaakusaha­n si Estrada na nagbulsa ng P183 milyon para sa pag- eendorso sa pekeng non- government organizati­ons (NGOs) ni Napoles. Ngunit sa kanyang bid for bail, sinabi ni Estrada na hindi siya maaaring ituring na “main plunderer”. Ipagpalaga­y man na sangkot nga siya, hindi lamang si Estrada ang gumawa nito, kundi ang iba pang mga mambabatas.

Ngunit sinabi ni Sandoval na hindi maaaring gamitin ang argumento sa kaso ni Estrada dahil itinuturo siyang co-conspirato­r sa PDAF scam.

“The act of one is the act of one,” paliwanag ni Sandoval, idinagdag na ang mga aksiyon ng “main plunderer” ay itinuturin­g din na ginawa ng kanyang co-conspirato­rs.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines