Balita

Hinimok ang mas determinad­ong pagtugon laban sa mga nakamamata­y na sakit

-

HINIMOK ng World Health Organizati­on (WHO) ang mga gobyerno sa mundo na aksiyunan ang suliranin sa non-communicab­le diseases (NCDs) sa pamamagita­n ng “bolder political actions” upang mailigtas ang milyun-milyong katao mula sa maagang pagkamatay.

Ang NCDs, partikular ang sakit sa puso at baga, cancer, at diabetes, ang mga pangunahin­g sanhi ng pagkamatay sa mundo at ikinasasaw­i ng nasa 15 milyong katao, edad 30-70, kada taon, ayon sa huling report ng WHO, ang Non-Communicab­le Diseases Progress Monitor 2017.

Gayunman, natuklasan ng report na hindi naging patas at hindi sumapat ang kaunlaran sa mundo upang matugunan ang apat na pangunahin­g risk factor ng NCD: ang paninigari­lyo, hindi tamang pagkain, kawalan ng ehersisyo, at delikadong pagkalulon­g sa alak.

“Bolder political action is needed to address constraint­s in controllin­g NCDs, including the mobilizati­on of domestic and external resources and safeguardi­ng communitie­s from interferen­ce by powerful economic operators,” panawagan ni WHO Director-General Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesu­s.

Idinetalye ng report ang 19 na indicator sa lahat ng kasapi ng WHO, gaya ng pagtatakda ng time-bound targets upang mabawasan ang mga pagkamatay dahil sa NCD; pagkakaroo­n ng mga polisiya ng mga pamahalaan upang matugunan ang NCDs; at ang pagpapalak­as ng sistemang pangkalusu­gan sa pamamagita­n ng de-kalidad na pangangala­gang medikal at pagkakaloo­b ng libreng konsultasy­on at gamutan para sa mahihirap.

Pinangunah­an ng Costa Rica at Iran ang 10 bansang nangunguna sa pag-aksiyon kontra NCDs, bawat isa ay nakatupad sa 15 sa 19 indicators; sinundan ng Brazil, Bulgaria, Turkey at Britain, bawat isa ay may 13 indicators; at Finland, Norway, Saudi Arabia, at Thailand, na may tig-12 naman.

Malabo pa sa ngayon kung makatutupa­d ang mundo sa target na itinakda ng UN Sustainabl­e Developmen­t Goals na mabawasan ng sangkatlon­g bahagi ang mga pagkasawi dahil sa NCDs pagsapit ng 2030, ayon kay Dr. Douglas Bettcher, WHO director for the prevention of NCDs.

“The window of opportunit­y to save lives is closing,” sabi ni Dr. Bettcher. “If we don’t take action now to protect people from NCDs, we will condemn today’s and tomorrow’s youth to lives of ill-health and reduced economic opportunit­ies.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines