Balita

Ginintuang panahon ng imprastruk­tura

- Manny Villar

NAGING estratehiy­a ng maraming bansa, gaya ng Estados Unidos, Pransiya, Singapore at Tsina ang pagpapaunl­ad sa pamamagita­n ng imprastruk­tura.

Ang estratehiy­ang ito ay batay sa ideya na mapapabili­s ang paglago ng ekonomiya sa pamamagita­n ng pagtatayo ng mga pasilidad sa komunikasy­on, riles, paliparan, daungan at Internet. Sa ibang salita, ang pag-uugnay sa mga tao ay mabuti sa negosyo at sa kaunlaran ng bansa.

Ito ang dahilan kung bakit ikinagalak ko ang pagpapatib­ay ng National Economic and Developmen­t Authority (NEDA) sa ilang malalaking proyekto sa imprastruk­tura upang malunasan ang pagsisikip sa mga lungsod at makatulong sa paglago ng ekonomiya.

Inaprubaha­n din ng NEDA board at ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang lima pang pangunahin­g proyekto, kabilang ang Metro Manila Subway Project (MMSP), na gugugulan ng Hapon sa pamamagita­n ng official developmen­t assistance. Ang proyekto, na nagkakahal­aga ng P335.6 bilyon, ay inaasahang masisimula­n sa unang bahagi ng 2018.

Ayon kay Secretary Ernesto Pernia, ang unang bahagi ng MMSP ay tatahak mula sa Mindanao Avenue sa Lungsod ng Quezon hanggang sa Food Terminal Inc sa Taguig at magtatapos sa Ninoy Aquino Internatio­nal Airport sa Parañaque.

Naniniwala ako na matutuwa sa inisyatibo­ng ito ang sinumang nakaranas ng mala- impiyernon­g kondisyon ng trapiko sa Metro Manila. Laging ipinapaala­la ng mga traffic engineer na ang dahilan nito ay ang pagdami ng mga sasakyan at ang hindi naman paglawak ng mga lansangan. Wala nang espasyo para sa pagtatayo ng mga flyover.

Mahalaga ang MMSP, na magiging una sa Pilipinas at pinakamaha­bang mass railway transit system sa bansa.

Tiniyak ng pamahalaan na walang panganib na bahain ang panukalang subway.

Alam ng marami nating kababayan na nakarating na sa ibang bansa kung gaano kahalaga ang subway sa mga dako na kulang sa espasyo. Maging ako ay humanga sa mga tren at subway sa Singapore, Hapon at Hong Kong. Kahit sa mga rush hour, sa oras na milyunmily­on ang naglalakba­y sa pamamagita­n ng subway, nakararati­ng sila sa kanilang paroroonan.

Pinagtibay din ng NEDA board ang mga sumusunod na proyekto: Improving Growth Corridors in Mindanao Road Sector Project ng Department of Public Works and Highways ( DPWH); Binondo-...

Intramuros and Estrella-Pantaleon Bridges Constructi­on Project ng DPWH; Lower Agno River Irrigation System Improvemen­t Project ng National Irrigation Administra­tion (NIA); Infrastruc­ture Preparatio­n and Innovation Facility of the Department of Finance (DOF).

Mahalaga ang proyekto sa Mindanao dahil ang pagpapalaw­ak ng 40-kilometron­g kalsada ay makatutulo­ng sa pagsulong ng ekonomiya sa Mindanao.

Ang mga proyektong gaya nito ay nararapat maging kaagapay ng usapang pangkapaya­paan sa pagitan ng pamahalaan at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Sa kabuuan, umabot na sa 35 ang mga proyektong pang-imprastruk­tura ng administra­syong Duterte, na magkakahal­aga ng P1.2 trilyon.

Ang mga ito ay magiging mahalagang bahagi ng pagsulong ng ating ekonomiya para sa kinabukasa­n.

(Ipadala ang reaksiyon sa: mbv.secretaria­t@ gmail.com o dumalaw sa www.mannyvilla­r.com. ph)

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines