Balita

1 Tim 3:14-16 ● Slm 111 ● Lc 7:31-35

-

Nagsalita si Jesus sa mga tao tungkol kay Juan: “Ngayon, kanino ko ikukumpara ang mga tao sa kasalukuya­n, at sa ano sila katulad? Para silang mga batang nakaupo sa mga plasa, at nagrerekla­mo ang ilan sa kanila: ‘Tinugtog namin ang plauta para sa inyo at hindi kayo sumayaw, at nang umawit naman kami ng punebre, ayaw naman ninyong umiyak.’

“Ganito rin naman ang nangyari. Dumating si Juan Bautista na hindi kumakain ng tinapay, ni umiinom ng alak, at ang sabi ninyo’y ‘Nasisiraan siya ng bait!’ Dumating naman ang Anak ng Tao na kumakain at umiinom, at sinabi naman ninyong ‘Narito ang taong matakaw at lasenggo, kaibigan ng mga publikano at mga makasalana­n.’ Gayon pa ma’y nakilala ng kanyang mga anak ang Karunungan.”

PAGSASADIW­A:

Tinugtog namin… hindi kayo sumayaw.—“Kung ano ang tugtog, siya rin ang sayaw.” Ang kawikaang ito ay naglalaman ng mensahe at hamon ng ebanghelyo. Sala sa tugtog, sala sa sayaw. Ito naman ang naging buhay ng mga tao sa kapanahuna­n nina Jesus at Juan Bautista. “Tinugtog namin ang plauta para sa inyo at hindi kayo sumayaw” (b 32).

Ayaw ni Jesus ng gayong salungat na pagkilos. Ang tinutugtog niya ay awit ng pagibig subalit ang isinasayaw natin ay ang pagkamakas­arili. Ang handog niya ay tugtog ng pagpapataw­ad subalit ang sayaw natin ay katigasan ng puso. Ang musika ng Panginoon ay imno ng kabanalan subalit ang ating tugon ay indak ng kasalanan. Taliwas ang ating pagkilos. Taliwas ang ating pamumuhay. Hindi maayos ang ating sayaw. Hindi nakalulugo­d ang ating pag-iral.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines