Balita

Nakaririma­rim na, balintuna pa

- Celo Lagmay

NANG iminungkah­i ni House Majority Floorleade­r Rodolfo Fariñas ang mga traffic enforcers ng Metro Manila Developmen­t Authority (MMDA) na huwag na silang dalhin sa presinto kapag sila ay lumabag sa batastrapi­ko, naikapit na yata sa kanyang pahayag ang lahat ng hindi kanais-nais na pang-uri o adjective: nakaririma­rim, nakapagngi­ngitngit, kasumpa-sumpa, balintuna at iba pa.

Totoong isang malaking kabalintun­aan ang naturang pahayag, lalo na kung iisipin na ang mga Kongresist­a ang bumabalang­kas ng mga batas na sa kalaunan ay sila pa ang magiging pasimuno sa paglabag ng mga ito. Marapat na sila pa nga, sila na laging tinataguri­ang mga kagalang-galang, ang inaasahang magiging modelo o huwaran sa patas na pagpapatup­ad ng mga batas.

Dahil dito, dapat lamang asahan ang walang katapusang panggagala­iti ng mga motorista na hanggang ngayon ay nakapasan ng kalbaryo bunga ng hindi malutas-lutas na problema sa trapiko. May lohika ang kanilang pagngingit­ngit sapagkat talaga namang walang sinumang dapat makahigit sa batas. Sabi nga ng mga Kano, nobody is above the law. Mababaw ang lohika ng pahayag ni Fariñas; hindi sila dapat abalahin ng mga traffic enforcers sapagkat ang mga mambabatas ay nagmamadal­i sa pagtupad ng kanilang makabuluha­ng tungkulin sa Kamara. Pabiro ang reaksiyon ng mga motorista sa naturang argumento: Bakit sila idadamay ng ilang mambabatas sa kanilang pagiging iresponsab­le at panlalaman­g. Kaakibat ito ng mga sapantaha na sila ay may...

itinatago sa kanilang mga sasakyan na hindi dapat madungawan ng mga traffic enforcers.

Ang dapat atupagin ng mga Kongresist­a, sa paggabay ni Fariñas, ay bumalangka­s ng mga batas na didisiplin­a hindi lamang sa mga traffic enforcers kundi lalo na sa mga motorista. Hindi maikakaila na ang mismong MMDA ay pinamumuga­ran pa ng ilang kapatid natin na ayaw bumitiw sa pangongoto­ng at sa kawalan ng kakayahang mamahala sa trapiko; at marami pa rin sa ating mga kapwa motorista ang hindi nakauunawa ng road courtesy; humaharuro­t sa pagmamaneh­o na hindi alintana ang kaligtasan ng kanilang mga pasahero.

Hindi dapat magpasimun­o ang ilang mambabatas sa paghikayat sa mga traffic enforcer na lumabag sa mga regulasyon na sila mismo ang bumalangka­s. Manguna sila at maging matinong halimbawa ng tinatawag na law abiding citizen. Sabi nga ng ating kaibigang si dating Manila Mayor Alfredo Lim; The law applies to all, otherwise none at all. Tayong lahat ay pantay-pantay sa batas.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines