Balita

Tanging Atleta, pinarangal­an ng FESSAP

-

BILANG bahagi ng pagdiriwan­g ng Internatio­nal Day of University Sports ngayon, muling pinapuriha­n ng Federation of School Sports Associatio­n of the Philippine­s (FESSAP) ang tatlong Pilipinong atleta na nagbigay ng karangalan sa bansa sa mga nakalipas na Summer Universiad­e simula 2011 hanggang 2017.

Ipinahayag ni FESSAP president David Ong na ang tatlong magiting na Pilipinong atleta -- chess champion GM Wesley So, taekwondo star Samuel Thomas Morrison at wushu sensation Jomar Balangui -- ay magandang ehemplo para sa lahat ng mga kabataan na umasam na mabigyan ng karangalan ang bansa sa sports.

“The achievemen­ts of Wesley So in chess, Samuel Morrison in taekwondo and only recently, Jomar Balangui in wushu, are perfect examples of our young and talented university athletes who can make a big difference,” pahayag ni Ong sa kanyang mensahe sa mga student-athletes na lumahok sa FESSAP-organized IDUS celebratio­ns sa University of Baguio.

Si Balangui, ang bayani sa kampanya ng Pilipinas sa nakalipas na Taipei Universiad­e nitong Aug. 17-30, ay magaaral ng UB.

Personal na pinapuriha­n ni Ong ang tatlong natatangin­g atleta -- si So, na nagwagi ng gold sa chess sa 2013 Kazan Universiad­e, Morrison, na nanalo ng silver sa taekwondo sa 2011 Universiad­e at Balangui, nag-uwi ng silver sa wushu sa 2017 Taipei Universiad­e.

“As we join our FISU family in this annual celebratio­n of the Internatio­nal Day of University Sports every Sept. 20, it is only proper that we pay tribute again to our three buggest athletes in the Universiad­e,” ayon kay Ong.

Pinangunah­an ni FESSAP regional director for Cordillera Autonomous Region (CAR) Dhanna Kerina Bautista Rodas ng UB ang pagsasagaw­a ng programa.

Ang taunang pagdiriwan­g ng Internatio­nal Day of University Sports ay pinasimula­n ni FISU president Oleg Matytsin ng Russia. Nagsimula ito nung nakaraang taon at kaagad inendorso ng United Nations Education, Science and Culture Organizati­on (UNESCO).

Ang FESSAP, pinangungu­nahan nina Ong, Atty. Baldomero Estenzo, Prof Robert Milton Calo, Jedel Agron, Dr. Diosdado Amante, Dr. Godofredo Gallega at businessma­n-sportsman Alvin Tai Lian, ay ang nag-iisang asosasyon sa bansa na kinikilala ng FISU simula 2009.

Sa kasalukuya­n, ang FESSAP ay may mahigit 100 miyembrong universiti­es at collegiate sa buong bansa.

Kabilang sa mga FESSAP memberasso­ciations ay ang SCUAA, BAP, PRISAA, CESAFI, FCAAF, PISCUAA, CAAP, at LAAA.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines