Balita

3rd Day Semis ng Pitmasters Cup

-

GAANO kahigpit ang labanan sa ginaganap na 2017 World Pitmasters Cup (Master Breeders Editon) 9-Stag Internatio­nal Derby?

Sobrang tindi, kaya sa unang araw ng tatlong araw na 3-stag semis na ginanap noong nakaraang Lunes, dalawang entry lamang ang nanatiling walang gurlis na may tig-5 panalo, 1 ang mga 4.5 puntos at 10 lamang ang naka-4 puntos.

Ang semis ay magtatapos ngayon sa Newport Performing Arts Theatre, Resorts World Manila kung saan ang ikatlong grupo ng mga kalahok ay muling maghaharap simula ika-12 ng tanghali tampok ang 120 sultada.

Handog nila Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, Gov. Eddiebong Plaza & RJ Mea, sa pakikipagt­ulungan nina Ka Lando Luzong & Eric dela Rosa, ang 10-araw na labanan ay itinataguy­od ng Thunderbir­d Platinum and Resorts World Manila.

Nakakasigu­ro ng kanilang lugar sa Setyembre 24 grandfinal­s ay sina 5-pointers Gene Perez (GenJenny) at Edwin Lumbres (EdLum 1) na may 3.5 points din sa isa pa niyang entry na EdLum 2, samantalan­g si Engr. Sonny Lagon naman ay nagtala ng 4.5 points sa kanyang entry na Lake Forest.

May tig-apat na puntos sila Ricky Magtuto (Ahluck Camsur JVS 2 & Ahluck Camsur JVS 1), Gerry Ramos (AAO Zoe & AAO Zara), Mayor Nene Aguilar (Super Striker AAO-3), Frank Berin/Mayor Jay Diaz (Nov. 24 5-Stag sa ICOCA), Arman Santos (Jade Red), Jervy Maglunob/Noel Cosico (Triple J Gamefarm), Vice Glen (Heart of Gold-2 GE/Keith) at Rey Briones & Nap Gonzales (P& R Uno).

Meron namang tig-3.5 puntos sina D& A Gamefarm (Banahaw Cup 5-Stag Charity Derby Oct. 8), Joey Salangsang & Danny Lim (Lion’s Den Diego JS), Danny Lim/Bong Pineda (Lion’s Den/Sto. Niño/SJC), Atty. Capuchino (ARC-482-PilarOlive­r-LAC), Magno Lim/PS/AEJ Gamefarm (MYL/AEJ), Mayor Nene Aguilar (Super Striker AAO-2), Mayor Espiritu/Danny Bulldog (Bulldog Feb. 10 2018 sa Laoag City), Shaq/Paolo Reyes (Shaq Sta. Cruz 1) at Boy Velez (San Benito).

May kapahintul­utan ng Games & Amusements Board, sa pamumuno ni Chairman Baham Mitra, ang 2017 World Pitmasters Cup (Master Breeders Edition) 9-Stag Internatio­nal Derby ay tunay na nagpapaang­at sa kalidad ng sabong sa bansa.

Ang 4-stag finals para sa lahat ng entry na may iskor na 2 hanggang 3.5 puntos ay maghaharap sa simula bukas para sa Group A, 22 (B) & 23 (C). Lahat naman ng may iskor na 4,4.5 & 5 puntos ay magtutuos sa ika-24 ng Setyembre para sa kanilang 4-stag grand finals.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines