Balita

Joross, handang magpasampa­l kay Juday

- Ni LITO T. MAÑAGO

IKA- 2 taong anibersary­o ng mga librong Sisikat Din Ako (English version) at Magartista Ka (Tagalog version) ni Katotong Noel Ferrer sa katatapos na Manila Internatio­nal Book Fair sa SMX Convention­al Center nitong nakaraang Linggo. Dumalo ang ilang talents at kaibigang artista ni Noel katulad nina Rocco Nacino, magasawang Marco Alcaraz at Lara Quigaman, Richard Quan, Edgar Allan Guzman (who rendered two songs), Adrian Alandy (formerly Luis Alandy who’s celebratin­g his 20th year in the biz and opted to use his real name) at Joross Gamboa, ang tinagurian­g Pambansang Best Friend ng mga bida.

Masaya ang forum. Aliw na aliw kami sa pagpapataw­a ni Joross. Hindi lang siya awardwinni­ng dramatic actor, komedyante rin.

Bago ang forum at book signing, nainterbyu ng press si Joross sa backstage, at sabi ng aktor, kuntento at masaya siya sa mga proyektong ginagawa niya ngayon.

Pasok na rin siya sa La Luna Sangre ng ABSCBN at ginagampan­an niya ang papel ng adoptive father ni Kathryn Bernardo.

“Maganda ang role kasi may mga action scenes ako na kailangang gawin for my role at wala akong double sa mga action scenes, ha?” pagmamalak­i ng aktor.

“Nakaka-excite kasi never ko pang nasubukan mag-action. Sa La Luna Sangre, bukod sa action, kailangan ko ring mag-drama at magpatawa. Complete package kumbaga,” lahad ni Joross.

Pagkatapos ng forum, umalis kaagad siya para sa last shooting day niya sa Buy Bust na gumaganap naman siyang kontrabida ni Anne

Curtis. Ayaw lang mag- elaborate ng former questor ng Star Circle Quest sa kanyang role dahil, aniya, magiging spoiler daw.

Ang importante, masaya siyang nakatrabah­o si Anne at first time rin niyang nakatrabah­o si Direk Erik Matti.

“Exciting ‘yung role ko kasi may action scenes na naman. Saka kakaiba kasi may patayan at ang barilan, eh, sa mukha ka patatamaan,” lahad niya. Wala pang ideya si Joross kung isasali ang Buy Bust sa Metro Manila Film Festival (MMFF) this December.

Ang sigurado siya, kasali siya sa pelikulang Dalawang Mrs. Reyes na co-production venture ng Star Cinema, IdeaFirst Company nina Perci Intalan at Jun Lana, at Quantum Films ni Atty. Joji Alonso. Gaganap siya bilang asawa ni Judy Ann Santos.

“Ibang level na ito kasi hindi na ako sidekick o best friend kundi asawa na ni Judy Ann,” natawang kuwento ni Joross. “Kahit na masampal lang ako ni Juday sa movie, happy na ako. Wala na akong hahanapin pa.”

Inspirasyo­n ni Joross ang kanyang pamilya (kasal siya kay Kathy Kimberly Saga at may dalawa na silang anak) kaya nagsusumik­ap siya sa trabaho.

“Dala na rin ng maturity, kasi 13 years na rin naman ako sa business, kaya I realized na kailangan ko talagang magsikap for my family. May anak na ako and siyempre I need to prepare for my child’s future. Kaya basta may trabaho, game ako. Kahit anong role payag ako, basta wala lang frontal nudity, ha-ha-ha,” biro niya.

Last Wednesday, muling ipinalabas sa walong SM Cinemas ang pinagbibid­ahan ni Joross na drama/romance na I Love You, Thank

You ni Bebs Gohetia at bahagi ito ng CineLokal ng Film Developmen­t Council of the Philippine­s (FDCP).

 ??  ??
 ??  ?? Judy Ann, Andrea at Joross
Judy Ann, Andrea at Joross

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines