Balita

Tumulong kay Castillo ‘person of interest’ na

- Nina MARY ANN SANTIAGO, JEFFREY G. DAMICOG, BETH CAMIA, at MARIO CASAYURAN

Itinuturin­g ng Manila Police District (MPD) na person of interest ang lalaking nagsugod kay Horacio “Atio” Castillo III sa ospital nang matukoy na law student din ito ng University of Santo Tomas (UST).

Ayon kay MPD Director Police Chief Superinten­dent Joel Napoleon Coronel, iimbitahan nila si John Paul Sarte Solano upang hingan ng paglilinaw sa kanyang testimonya na hindi tumutugma sa pahayag ng mga opisyal ng Barangay 133 sa Maynila.

Sa pahayag niya sa pulisya, sinabi ni Solano na natagpuan niya si Castillo sa kanto ng H. Lopez Boulevard at Infanta Street sa Barangay 133 noong umaga ng Linggo, Setyembre 17.

Aniya, patungo na siya sa San Lazaro Hospital kung saan siya nagtatraba­ho bilang medical technologi­st nang maisipang dumaan sa lugar upang bumili ng sigarilyo hanggang sa nakita niya si Castillo na nakabalot sa kumot.

Agad umanong pumara ng sasakyan si Solano at hinintuan ng isang pulang Strada at isinugod sa Chinese General Hospital ang biktima.

Pero ayon kay Coronel, sa pahayag ng mga barangay official, hindi sa kanilang barangay natagpuan si Castillo batay na rin sa statement ng mga testigo at residente sa lugar.

Ilang ulit din umanong pinanood ang closed- circuit television (CCTV0 footages ng Barangay 133 at wala silang nakitang recordings na magpapatun­ay sa pahayag ni Solano.

Natuklasan din ng MPD na si Solano ay kasalukuya­ng kumukuha ng law sa UST.

“Batay sa mga testigo sa lugar wala silang napansin na ganoong insidente noong oras na binabanggi­t ni Solano,” ani Coronel. “So far ang kanyang (Solano) statement ay inconsiste­nt with testimonie­s given by the barangay officials.”

Maliban naman kay Solano ay may iba pa umanong persons of interest ang MPD sa kaso, base sa mga impormasyo­n na nakuha nila mula sa UST at sa pamilya ni Castillo, ngunit tumangging isapubliko ang mga pangalan ng mga ito.

NBI PINAG-IIMBESTIGA

Ipinag-utos kahapon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa National Bureau of Investigat­ion ( NBI) na imbestigah­an ang pagkamatay ni Castillo.

“As a parent myself, I feel their loss and anguish,” pahayag ni Aguirre sa pagpapaabo­t ng pakikirama­y sa pamilya Castillo.

“We will endeavor to see to it that those who are responsibl­e will be held accountabl­e to the full extent of the law,” paniniguro niya.

Sa isang department order na inisyu kahapon (Setyembre 19), sinabi ng Secretary na “the National Bureau of Investigat­ion, through Director Dante A. Gierran, is hereby directed and granted authority to conduct investigat­ion and case build-up over the death of UST law student Horacio Castillo III, who died in suspected frat hazing, and if evidence warrants, to file appropriat­e charges thereon.”

SENATE INVESTIGAT­ION

Hiniling kahapon ni Senador Juan Miguel Zubiri na magsagawa ng Senate investigat­ion upang papanaguti­n ang mga responsabl­e sa pagpatay kay Castillo.

Ito ay nakapaloob sa Senate Resolution No. 504 na inihain ni Zubiri na kumokonden­a rin sa pagpatay kay Castillo.

“We have to stop senseless killings from hazing. The home, schools, police and the courts should act as one. Or else, our children will end as just another statistic of unsolved crimes. That is the dark probabilit­y when one lives in a country with a weak criminal justice system,” ani Zubiri.

WPP PARA SA PAMILYA

CASTILLO

Handa ang Department of Justice na isailalim sa Witness Protection Program ang pamilya ni Castillo.

Ayon kay Justice Usec. Erickson Balmes, sa ngayon ay wala pa silang natatangga­p na kahilingan mula sa mga magulang ni Castillo, ngunit handa itong ibigay ng DoJ sa pamilya ng biktima.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines