Balita

7 sa Abu Sayyaf sumuko

- Ni NONOY E. LACSON

ZAMBOANGA CITY – Sumuko sa militar ang pitong miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Sulu habang patuloy na umiigting ang opensiba ng mga awtoridad laban sa mga bandido sa lalawigan.

Sinabi ni Armed Forces of the Philippine­s- Western Mindanao Command ( AFP- WestMinCom) Spokespers­on Army Capt. Jo-Ann Petinglay na sumuko ang pitong bandido kay Lt. Col. Jesse Montoya, commanding officer ng 2nd Special Forces Battalion, sa Barangay Likod Pata sa Pata Island, Sulu, bandang 8:30 ng gabi nitong Sabado.

Ang pitong bandido ay pawang tauhan ng napatay na Abu Sayyaf sub-leader na si Alhabsy Misaya, ayon kay Petinglay.

Kinilala ni Petinglay ang mga sumuko na sina Aldin Hadil Akmad, 25; Willing Ibba Jaabal, 45; Ijal Samsain Sadjal, 25; at Musoy Elani; Tayong Bahala; isang 17anyos, pawang mula sa Bgy. Likud; at Muknan Basir, ng Bgy. Daongdong, Pata, Sulu.

“Through the joint efforts of the 3rd Sulu Civilian Active Auxiliary Company and the Special Intelligen­ce Team, Akmad and his companions decided to return to the fold of the law,” sabi ni Petinglay.

Dagdag pa ni Petinglay, isinuko rin ng mga bandido ang isang M-16 rifle at tatlong Garand rifle.

Simula Enero ngayong taon, may kabuuang 111 miyembro ng Abu Sayyaf ang sumuko na sa militar. Sa nasabing bilang, 65 ang sumuko sa Basilan, 23 sa Sulu, 21 sa Tawi-Tawi, at dalawa sa Zamboanga City.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines