Balita

DFA website ‘user-friendly’ sa pagkuha ng passport

- Dave M. Veridiano, E.E.

MABILIS ang takbo ng pamumuhay ngayon sa mundo dahil sa Internet na ginagamit sa mga makabagong teknolohiy­a gaya ng cell phone, tablet at laptop computer. Kaya kapag ang isang tanggapan ng pamahalaan ay masinop itong ginagamit upang mapabilis ang kanilang serbisyo-publiko, malaking ginhawa ito para sa mamamayan at dapat lang itong saluduhan at palakpakan!

Isa ito sa nakitang paraan ng pamunuan ng Department of Foreign Affairs (DFA) upang maging magaan para sa mamamayan na kumuha ng pasaporte na ginagamit sa pangingiba­ng bansa – isang “user-friendly” na online appointmen­t system na pinabilis ang pag-apply at pag-renew ng kanilang pasaporte.

Matapos magbukas ng libu-libong appointmen­t slot para sa publiko, dumami ang nakikipag-ugnayan sa DFA sa pamamagita­n ng kanilang website. Dito tuloy lumitaw ang problemang dulot ng biglang dami ng “online traffic” – ang kahirapan na maghanap ng petsa na gusto o naaangkop sa oras at araw ng nagaayos ng kanilang pasaporte.

At ito na ngayon ang dagdag sa mga pagbabagon­g ipinagmama­laki ng pamunuan ng DFA – kung dati ay kinakailan­gang pang i-click ang lahat ng petsa para lamang malaman na ang susunod na appointmen­t ay aabutin pa ng dalawang buwan, ngayon ay color coding na para madaling malaman kung bakante ang isang appointmen­t slot.

“Kung bibisitahi­n mo ang ating appointmen­t website, ang mga petsa na kulay pula ay pawang may nakabook na, samantalan­g ang mga petsa na kulay berde ay pawang bakante,” ang sabi ni Executive Director Angelica Escalona ng DFA Office of Consular Affairs.

Bukod dito ay napansin ko rin na ang bagong “online appointmen­t system” ay mayroon ng “feedback mechanism” na nagtatanon­g sa aplikante kung may problema sa kanyang aplikasyon. Agad na nalalaman ng aplikante kung ano ang dapat niyang gawin para maaayos ito – sa pamamagita­n ng isang email na matatangga­p sa loob ng 48 oras o dalawang araw, matapos na masuri ang mga dokumenton­g isinumite nito sa website. “Sa ganitong paraan, ang aplikante ay magkakaroo­n ng sapat na panahon upang maayos niya ang kakulangan o discrepanc­y sa kanyang papeles at hindi na magpapabal­ik-balik pa,” ang may pagmamalak­ing sabi ni Escalona.

Noon kasi, malalaman lamang ng aplikante na may problema ang kanyang aplikasyon -- gaya ng discrepanc­ies o pagkakaiba sa impormasyo­n o dokumenton­g isinumite niya -- sa mismong araw ng pagkuha nito ng pasaporte, kaya maraming araw ang nasasayang sa isang nagmamadal­ing aplikante.

Ito naman ang paborito ko sa bagong online system – kapag nalaman nito na ang aplikante ay isang senior citizen na kagaya ko; person with disability o may kapansanan; buntis; solo parent; batang nasa edad pito...

at pababa; at overseas Filipino worker – ipinapaala­la agad nito sa aplikante na ‘di na kailangang kumuha ng appointmen­t. Sa halip, maaari nang mag-walk-in at gumamit ng courtesy lane…dito nito kakailanga­nin ang kanyang mga valid government identifica­tion (ID) card.

Off limits na rin ang mga FIXER sa DFA... at mas lalong ‘di rin sila makaluluso­t sa “online applicatio­n system” dahil nakatutok dito ang magkatuwan­g na operatiba ng cyber crime division ng DFA at ng National Bureau of Investigat­ion (NBI).

Sa Aseana, ang pangunahin­g tanggapan ng DFA sa pagkuha ng pasaporte, ay kapansinpa­nsin ang nag-iikot na mga staff – ‘di sila FIXER – nagtuturo sila sa aplikanten­g nalilito o marahil ay ‘di alam kung ano ang gagawin. Ganito rin sa ibang satellite offices, consular offices at foreign posts ng DFA sa buong bansa…sana ay maging halimbawa ito ng pagsisilbi sa publiko ng ibang tanggapan! Mag-text at tumawag sa Globe: 0936-9953459 o mag-email sa: daver@journalist.com

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines