Balita

Free for all

- Aris Ilagan

PAPASOK ba kayo sa trabaho o hindi? Sasama ba kayo sa rally o hindi kayo sasama?

Ano pa ba ang ibig sabihin ng pagdedekla­ra ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang pasok sa mga pampubliko­ng paaralan at tanggapan ngayong Setyembre 21, kasabay ng paggunita ng pagdedekla­ra ng ika-45 anibersary­o ng Batas Militar noong 1972.

Aniya, kayo ang magdesisyo­n kung sasama kayo sa mga anti- at prorally ngayong araw. Bahala kayo sa buhay n’yo! Ano kaya ang nasa isip ni Digong at nagpasya siyang pagbigyan na mag-rally ang mamamayan ngayong Huwebes? Ito ba ay isang pangeengga­nyo upang sila’y magmartsa sa lansangan at bumatikos o kumampi sa gobyerno?

Ibang klase talaga si Pangulong Digong! Wala pang mga naging lider ng Pilipinas na siya mismo ang nag-eengganyo sa mamamayan na sumama sa kilos-protesta.

Hindi rin nagdeklara ang Malacañang ng holiday ngayong araw. Bakit kaya?

Iniwan ng Punong Ehekutibo sa may-ari at pangasiwaa­n ng mga pribadong paaralan at establisim­yento ang pagdedekla­ra kung may pasok o wala ngayong Huwebes.

Kakaibang political strategy itong natitikman natin mula sa kasalukuya­ng administra­syon.

Samantala, mamamayan din ang magdurusa dahil sa kaliwa’t kanang kilos-protesta na ilulunsad ngayong araw.

Andyan ang pro- at anti-Marcos. Andyan din ang pro- at anti-Duterte.

Sasabayan ito ng mga transport group na tumututol sa old jeepney phase out ng pamahalaan.

Sala-salabat na naman ang traffic sa ilang lugar dahil pihadong barado na naman ang mga lansangan kung saan magtitipon ang mga demonstrad­or.

At sino naman ang magmamando ng daloy ng sasakyan kapag walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno.

Malamang ay nag-iinuman ngayon ang mga traffic aide dahil wala silang pasok. Tagay dito, tagay dun. Ang saya-saya!

Samantala, posibleng maraming estudyante ang makikibaha­gi sa mga kilos-protesta dahil sinuspinde ang klase.

Isa lang ang pakiusap natin sa mga demonstrad­or: Sana’y boluntaryo kayong magsaayos ng daloy ng mga sasakyan at hindi kayo maging perhuwisyo.

Nakikiisa kami sa inyong adhikain sa paghahayag ng inyong damdamin dahil tayo ay isang malayang bansa.

Subalit dapat n’yo ring bigyan ng konsideras­yon ang ibang tao na naiipit sa traffic sa tuwing sinasakop ng mga demonstrad­or ang buong kalsada, na ‘tila nabili na nila ito.

Sa pagbibigay konsideras­yon, marahil ay makakuha pa kayo ng simpatiya sa mga motorista. Posible rin na sumama sa inyo ang mga ito sa mga susunod na rally.

Konting distansiya lang, mga amigo’t amiga, ang aming hinihingi.

Sana’y mapagbigya­n n’yo kami.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines