Balita

Alden at Maine, iginawa ng istorya ng fans

- Ni NORA CALDERON

WALA sa “Juan for All, All For Juan” segment ng Eat Bulaga sina Alden Richards at Maine Mendoza last Monday, at hanggang ngayon ay nagtatanun­gan ang fans nila kung bakit sabay silang nawala.

Hindi naman magkasama sina Alden at Maine, ayon sa posts tungkol sa kanila sa Instagram at Twitter, pero iginawa na nga sila ng story ng mga fans.

Nasa Hong Kong si Alden umaga pa lamang ng Monday, at may post na nasa Manila Internatio­nal Airport Authority (MIAA) siya kasama ang handler niyang si Leysam Sanciangco at personal assistant na si Tenten Mendoza. Naka-backpack at naka-shorts lang si Alden. May nag-post din na kasama naman ni Maine ang nanay niya na si Mary Ann Mendoza sa isang hospital for a regular medical check-up.

Pero ang ikinaintri­ga ng fans, or sabihin na nating ikinatuwa nila ay nagkataon na isinasagaw­a ang Hong Kong Jewelry & Gem Fair (September 1519) habang naroroon si Alden. Kumalat agad sa social media na baka raw bumili na si Alden ng wedding ring for Maine. May nag-tweet pang sa Hong Kong din bumili ng wedding ring si Ryan Agoncillo for Judy Ann Santos at si Zoren Legaspi, for Carmina Villarroel.

Someone close to Alden ang tinanong namin kung bakit pumunta si Alden sa Hong Kong, sabi niya may bibilhin lamang daw ang actor at may ipari-repair yatang wristwatch niya na doon lamang puwede. Wala namang ipinakitan­g ibang post si Alden maliban sa may ilang fans na nagpa- picture sa kanya. May nagbiro pang bumili lang ng hair brush si Alden batay sa isang photo niya na may mga hair brush sa likod niya, with a caption na “brush it off.”

Iyon pala ang sagot niya sa mga pamba-bash sa kanya sa social media dahil sa pagganap niya bilang si Boni Ilagan sa docu-drama ng GMA News & Public Affairs na hindi maihiwalay ang personal sa pagiging isang actor ni Alden sa Alaala: A Martial Law Special na dapat yata ay ngayon ini-replay dahil ginugunita ang 45th anniversar­y ng martial law.

Kinagabiha­n din ay bumalik na si Alden sa Manila at Tuesday, magkasama na sila ni Maine sa kanilang sugod-bahay sa Eat Bulaga, pero wala silang banggitan nina Jose Manalo at Paolo Ballestero­s kung bakit siya pumunta ng Hong Kong.

Ang nakita lang ng fans ay ang sweetness nila sa isa’t isa at ang pagprotect ni Alden kay Maine dahil sa napakarami­ng tao sa barangay sa San Agustin, Arayat, Pampanga.

Hayun, may ilang fans pa ring naniniwala na bumili na ng enagement ring si Alden.

 ??  ?? Alden at Maine
Alden at Maine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines