Balita

Bea Alonzo, consistent ang ugali

- Ni DINDO M. BALARES

DINAYO namin ang taping ng finale episode ng A Love To Last ( ALTL), mapapanood ngayong gabi, sa Pila, Laguna last Wednesday. Sa bahay ng pamilya Agoncillo ni Andeng ( Bea Alonzo) na pinalalaba­s sa istorya na sa Batangas kunwari ang location. Kumpleto ang characters maliban kay Grace ( Iza Calzado). Dusa ang trapik sa SLEX dahil may nire-repair sa tulay ng San Juan River na isang lane lang ang itinira, pero bawing-bawi naman ang ngalay at bagot sa apat na oras na biyahe sa pistang atmosphere ng taping na nadatnan namin. Ganado, masaya at excited ang lahat sa sorpresang ending na inihahanda nila para sa viewers.

Nakausap namin si BJ Lingan, headwriter ng ALTL, na kataka-takang kalmado lang sa gitna ng parang ipu-ipong galaw ng mga kasamahan niya at habang patuloy na lumilikha ng ingay at balitaktak­an ng female audience ang show nila.

“Nakaka-surprise,” sabi ni BJ nang batiin namin at sabihing malaking tulong ang ALTL dahil may napagbabal­ingan ang mga tao habang magulo ang takbo ng pulitika sa bansa.

Pero inamin ni BJ na intensiyon nila mula sa pagbubuo pa lang ng serye na ibahin ang atake sa ALTL.

“Iniwasan naming maging teleseryen­gteleserye ito,” kuwento niya. “Gusto naming mas maging makatotoha­nan ang kuwento, kaya nakakatuwa­ng nagustuhan ng viewers.”

Naaaliw si BJ sa violent reactions ng viewers sa paghalik ni Grace kay Anton na tiyempo namang naabutan at nahuli sa akto ni Andeng. Nakakaaliw rin na pagdating ni Ian

Veneracion habang iniinterby­u namin si Bea, hindi kaagad makalapit ang aktor, nananantiy­a kung papayagan ba siyang tumabi ng aktres. “Bakit mo siya hinalikan?” sita ni Bea. Nag-aktingan ang dalawa sa harap namin na para bang karugtong ng eksena sa serye. Nang tumabi na si Ian, nag-ipon ng mga throw pillow si Bea at inilagay sa pagitan nilang dalawa.

Na-internaliz­e na nila nang husto ang roles nila kaya ang cute nilang tingnan bilang Andeng at Anton in person.

“Ang nasa isip ko nang makita ko silang naghahalik­an, paano kung ‘di ako dumating? Ano pa ang puwedeng mangyari?” sabi ni Bea -- at nalito na yata kami kung siya pa ang iniinterby­u namin o si Andeng na.

Nakaranas na ba siya ng ganoong betrayal sa tunay na buhay?

“’Di pa,” sagot ni Bea sabay katok sa mesa, “at sana huwag mangyari sa akin ang gano’n. Sabi siguro ni Lord, ‘Di kita bibigyan ng ganoong sitwasyon kasi baka ‘di mo kayanin’.”

Modern-day martyr ang tawag ni Bea sa character niya. Ikinatutuw­a niya ang discovery habang tumatakbo ang serye na marami pala ang babaeng katulad ni Andeng.

“Andami palang ganitong babae, ‘yung kahit anong pagsubok sa pagsasama titiisin, pero may hangganan ang lahat,” sabi ni Bea.

So, hindi pala ‘a love to last’ sina Andeng at Anton?

“’Yun ang dapat ninyong abangan!” duet na sabi nina Bea at Ian.

Masaya ang buong production team at masarap ang interbyuha­n, pero ang tuluyang tumanggal sa pagod namin sa pagbisita sa set ng A Love To Last ay ang pagpapasal­amat ni Bea pagkatapos ng interbyuha­n na kahit malayo ang location ay nakarating kami.

“Eh, sandali muna,” worried na sabi ng aktres, “andaming pagkain (kasi may binyagan scene -- aha, spoiler!), pinakain ba nila kayo?”

Consistent si Bea Alonzo. Sa rami na ng mga binisita naming set, siya lang ang may ganitong ugali sa pag-estima sa bumibisita­ng press.

 ??  ??
 ??  ?? ON LOCATION: Ian, Bea at ang may-akda
ON LOCATION: Ian, Bea at ang may-akda

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines