Balita

Libu- libo dumagsa sa Luneta, Plaza Miranda

- Ni MARY ANN SANTIAGO Jun Fabon, Bella Gamotea, Kate Louise Javier, at Beth Camia

Sabay-sabay na naglunsad ng kaliwa’t kanang kilos-protesta ang iba’tibanggrup­okahapon, Setyembre 21, na idineklara­ng National Day of Protest ni Pangulong Rodrigo Duterte, at ika-45 anibersary­o rin ng deklarasyo­n ng martial law sa bansa.

Naging mapayapa naman ang mga kilos-protesta ng iba’t ibang grupo, na ang ilan ay nagpahayag ng suporta sa Pangulong Duterte, habang mas marami ang tumuligsa sa drug war ng pamahalaan, sa mga extrajudic­ial killings (EJKs) sa bansa, at sa batas militar sa Mindanao.

Sa Luneta Park, isang malawakang kilos-protesta ang pinangunah­an ng Movement Against Tyranny, isang alyansa ng mga grupo at personalid­ad na layuning pagkaisahi­n ang mga freedom-loving Pinoy laban sa paniniil sa kalayaan.

May mga tagasuport­a rin ni Senator Leila de Lima na lumahok sa naturang rally, kumpleto sa mga dalang placard na humihiling sa agarang pagpapalay­a sa senadora na nakabilang­go dahil sa drug charges.

Pasado 3: 00 ng hapon nang magsimulan­g magdatinga­n ang mga magpoprote­sta sa Luneta para sa idinaos nilang programa dakong 5:00 ng hapon.

Bagamat ilang beses na bumuhos ang malakas na ulan, tinaya sa mahigit 4,000 ang dumagsa sa Luneta.

PLAZA MIRANDA

Sa Plaza Miranda, nagtipun-tipon din ang libu-libong tagasuport­a ng Duterte administra­tion, kabilang ang Liga Independen­cia Pilipinas at iba pang grupo, para manawagan ng nagkakaisa at mas malakas na soberanya ng bansa.

Dakong 1:00 ng hapon nang simulan ang pagtitipon sa Plaza Miranda, na dinaluhan ng Partido Demokratik­o Pilipino-Lakas ng Bayan, Mayor Rodrigo Roa Duterte National Executive Coordinati­ng Committee, Kilusang Pagbabago, Digong Duterte Supporters, at iba pa.

Tinaya ni SBMA Director Benny Antiporda, isa sa mga organizer ng rally, na nasa 50,000 tagasuport­a ng Pangulo ang inaasahan nilang dadalo sa pagtitipon.

Sa Mendiola, sa loob ng compound ng Malacañang pinayagang magtipunti­pon ang mga Pro-Duterte supporters habang nasa labas ang mga raliyistan­g kontra sa administra­syon.

Lumahok din sa rally ang transport group na PISTON at nagdaos ng vigil sa tapat ng Peace Arch sa Mendiola, gayundin ang mga grupong estudyante mula sa University of the Philippine­s (UP) na nagdala at nagsunog ng “Rody’s Cube” sa Mendiola, na may larawan nina Pangulong Duterte, dating Pangulong Ferdinand Marcos, Adolf Hitler, at tuta na may kolyar ng watawat ng Amerika, at effigy ni Kamatayan.

Dumiretso rin sa Luneta ang mga nagtipun-tipon sa Mendiola at Liwasang Bonifacio sa Maynila, at sa UP Diliman campus sa Quezon City.

Umaga nang sumugod sa Liwasan ang nasa 200 driver ng mga pampasaher­ong sasakyan mula sa Cavite, katapat ang grupo ng mga overseas Filipino worker at recruiters na pro-government naman.

Naging mahigpit naman ang pagbabanta­y ng Manila Police District (MPD) sa mga rally sa Maynila, at nasa 1,400 pulis ang ipinakalat ni MPD Director Chief Supt. Joel Napoleon Coronel.

Sa Quezon City, bantay-sarado rin ng mga tauhan ni Quezon City Police District director Chief Supt. Guillermo Eleazar ang mga rally sa Mabuhay Rotonda, People Power Monument, bahagi ng Commonweal­th Avenue sa Philcoa, Quezon Avenue at Diliman.

‘MASS FOR JUSTICE’ Mahigit 1,000 katao, karamihan ay estudyante, ang dumagsa sa “Mass for Justice” sa Parish of the Holy Sacrifice sa UP laban sa EJKs, na pinangunah­an ng Kaya Natin Movement at Tindig Pilipinas.

Dumalo sa misa sina dating Pangulong Benigno S. Aquino III, Vice President Leni Robredo, at ang mga senador at kongresist­a na kasapi ng Liberal Party.

Sa kasagsagan ng kabi-kabilang kilos-protesta sa bansa kahapon, nilinaw ng Malacañang na walang planong magdeklara ng martial law sa buong bansa si Pangulong Duterte.

“Kung sinasabing pinaplano ang martial law, hindi po,” sabi ni Presidenti­al Spokespers­on Ernesto Abella. “Again and again, inuulit niya, hindi ‘yan ang patutunguh­an natin. Only ang sinabi lang, he’s allowing for the protests ‘wag lang malaglag sa violence and destructio­n of property in which case the response will be firm.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines