Balita

Isa sa hazing suspects nakaalis na ng ‘Pinas

- Nina JUN RAMIREZ, MARY ANN SANTIAGO, BETH CAMIA at MERLINA HERNANDO-MALIPOT

Nakalabas na ng bansa ang isa sa mga suspek sa pagpatay sa University of Santo Tomas (UST) law student na si Horacio “Atio” Castillo III, ayon sa Bureau of Immigratio­n (BI).

Ayon sa abogadong si Ma. Antonette Mangrobang, tagapagsal­ita ng BI, base sa record ng ahensiya ay lumabas mula sa Ninoy Aquino Internatio­nal Airport (NAIA) si Ralph Caballes Trangia noong Setyembre 19. Siya ay sakay sa Eva Airways flight patungong Taipei.

Siya ay umalis dalawang araw matapos isugod ang bangkay ni Castillo sa Chinese General Hospital sa Maynila.

Si Trangia, na isa sa 16 na persons of interest na kabilang sa immigratio­n lookout bulletin order na inisyu ng Department of Justice, ang sinasabing driver ng pulang pickup na nagsugod kay Castillo sa ospital.

Sinasabing si Trangia ay miyembro ng Aegis Juris fraternity na sinasabing nag- hazing kay Castillo.

Sinabi ni Mangrobang na ang 15 iba pang nasa look-out list ay nananatili­ng nasa bansa. MPD MAKIKIPAG-UGNAYAN

SA DFA, INTERPOL Hihingi ng tulong ang Manila Police District (MPD) sa Department of Foreign Affairs ( DFA) at sa Internatio­nal Police Organizati­on (Interpol) upang mapabilis ang pagaresto kay Trangia.

Hihilingin umano ng MPD sa DFA na agad kanselahin ang pasaporte ni Trangia na makatutulo­ng para mapabilis ang deportatio­n sa oras na matunton ng Interpol.

DELA ROSA SA AEGIS JURIS MEMBERS: SUMUKO

NA KAYO Nanawagan kahapon si Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa sa mga miyembro ng Aegis Juris Fraternity na sumuko na lamang at harapin ang problema sa pagkakasan­gkot sa pagpatay kay Castillo.

Naniniwala si Dela Rosa na hindi masasamang tao ang mga taong sangkot sa pag-hazing kay Castillo lalo pa’t sila ay pawang estudyante ng abogasiya.

Samantala, kinondena kahapon ni Commission on Higher Education ( CHED) Patricia Licuanan ang pagpatay kay Castillo at inatasan ang regional office nito na “to look into this very tragic event.”

“First of all, let me just say that we condemn this act very strongly,” pahayag ni Licuanan nang tanungin ni Senador Juan Miguel Zubiri tungkol sa insidente. Ipinaliwan­ag ni Licuanan na wala silang natanggap na kahit anong report mula sa UST. “Basically, the school has not yet reported but we should be expecting that soon,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines