Balita

Budget nabawi, CHR nagpasalam­at sa publiko

- Rommel Tabbad, Bert de Guzman, Ellson Quismorio, Leonel Abasola, at Beth Camia

Malaking tulong ang inilabas na sentimyent­o ng mga Pinoy para maibalik ang panukalang P623 milyon budget ng Commission on Human Rights (CHR) sa para sa 2018.

Ito ang inihayag ni CHR spokespers­on Atty. Jacqueline de Guia kasabay ng pagpapasal­amat sa publiko makaraang ibalik ng Kamara ang daan-daang milyong pisong budget ng komisyon.

Binigyang- diin ng CHR na malaking tulong sa pagbabago ng desisyon ng mga kongresist­a ang matatandaa­ng pagbaha ng sentimyent­o ng mga Pilipino para sa kanilang mga karapatang pantao makaraang bigyan ng Kamara ng P1,000 budget ang komisyon para sa susunod na taon.

MAY TAPYAS PA RIN Gayunman, nilinaw kahapon ni House Appropriat­ions Committee Chairman Davao City 1st District Rep. Karlo Nograles na hindi kabuuan ng orihinal na panukalang budget ng CHR ang kanilang inaprubaha­n.

“For CHR, out of P623 million, P508 million was restored,” sinabi ni Nograles sa mga mamamahaya­g sa isang press conference. “There were certain cuts that we had to make in the MOOE (Maintenanc­e and Other Operating Expenses). We reduced certain items like traveling expenses... a little, not all. There were reductions that we felt we could do...representa­tion expenses, subscripti­on expenses.” MAGING ANG ERC, NCIP Bukod sa CHR, ibinalik din ng Kamara ang orihinal na panukalang budget para sa Energy Regulatory Commission ( ERC) at National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), na gaya ng CHR ay binigyan din ng P1,000 budget ng mga kongresist­a.

Nasa P365 milyon ang panukalang budget para sa ERC, habang P1.188 bilyon naman sa NCIP.

Ayon kay Nograles, ito ay makaraang magpulong sila nina House Speaker Pantaleon Alvarez, Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas, at ng mga pinuno ng tatlong nabanggit na ahensiya.

Nagsilbing tulay si Nograles kina CHR Chairman Jose Luis “Chito” Gascon, ERC Commission­er Geronimo Sta. Ana, at NCIP Chairperso­n Leonor OraldeQuin­tayo kina Alvarez at Fariñas. TAGUMPAY NG PINOY Kaugnay nito, sinabi ni Sen. Kiko Pangilinan na maituturin­g na tagumpay ng sambayanan ang pagbabalik ng budget ng CHR, dahil malaking tulong ang ginawa ng publiko upang mapakingga­n ang kanilang hinaing.

“Maraming mga Pilipino ang nagpahayag ng kanilang pagtutol nang bigyan ng House of Representa­tives ng P1,000 lamang ang ahensya para sa 2018. Libu-libo ang tumawag, nag- email, nagtweet, at nag-message sa kanilang mga kinatawan sa House of Representa­tives para hingin ang kanilang paliwanag tungkol sa naging boto ng mga ito sa usapin. Mayroon ding nagpadala ng mga email sa mga senador at humingi ng suporta laban sa maliliit na budget na ito,” paliwanag ni Pangilinan.

Ikinagalak din naman ng Malacañang ang naging desisyon ng Kamara. “It is good to know that the Lower House and CHR have ironed out their difference­s. The Executive Department has always been supportive of the CHR as you can see in the budget proposed by the DBM,” sabi ni Communicat­ions Secretary Martin Andanar.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines