Balita

Kongreso: Bgy. officials ‘di itatalaga

- Nina VANNE ELAINE P. TERRAZOLA at GENALYN D. KABILING

Gahol na sa oras, nagkasundo ang House of Representa­tives na hiramin ang bersiyon ng Senado ng panukalang nagpapalib­an sa Barangay at Sanggunian­g Kabataan Elections ( BSKE) sa Mayo 14, 2018.

Kinumpirma ni Senate Majority Floor Leader Vicente Sotto III kahapon na pagtitibay­in ng Mababang Kapulungan sa Lunes ang mga probisyon ng Senate Bill No. 1584 na naglalayon­g ilipat ang halalang pambaranga­y sa Oktubre 23 sa Mayo 2018 at pahintulut­an ang mga nakaupong opisyal ng barangay at kabataan na manatili sa kanilang mga posisyon.

“They did. (They) will officially do so on Monday (in their) session. It then becomes an enrolled bill awaiting the signature of the President,” ani Sotto.

Ayon kay Sotto, kinumpirma ito nina House Speaker Pantaleon Alvarez at Majority Leader Rudy Fariñas sa kanilang Legislativ­e Executive Developmen­t Advisory Council (LEDAC) meeting nitong Miyerkules ng gabi.

Sa botong 17- 1 at zero abstention, inaprubaha­n ng Mataas na Kapulungan ang SB 1584 sa ikatlo at pinal na pagbasa nitong Miyerkules ng hapon, matapos matanggap ang certificat­ion ng Pangulo na ito ay isang urgent measure.

Ito na ang ikalawang pagkakatao­n na ipinasa ng Senado at Kamara ang kanikanila­ng mga panukalang batas upang ipagpaliba­n ang halalang pambaranga­y. Tulad noong nakaraang taon, kailangan magpasa ng Kongreso ng batas upang opisyal na maipagpali­ban ang eleksiyon.

Samantala, sinabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto, na ang ikalawang pagpapalib­an ay “must be the final one.”

“It should be a non-extendable deferment. If we scrap again the elections in May, it will constitute a strike three against democracy,” aniya.

Sinabi ni Recto na bumoto siya ng “yes” sa panukala dahil tiniyak ng Palasyo na ito na ang huling pagpapalib­an.

Umaasa naman ang Malacañang na maipapasa na ang batas na nagpapalab­an BSKE.

Sinabi ni Presidenti­al spokesman Ernesto Abella na inaasahan nilang pagkaisahi­n ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang kanilang mga bersiyon ng pagpapalib­an sa barangay poll.

“The President’s stance remains clear and consistent: He wants the barangay and SK elections to be postponed,” diin ni Abella.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines