Balita

Honeylet, inimbitaha­n ni Melania sa UN assembly

- Argyll Cyrus B. Geducos at AP

Inihayag ng Malacañang na inimbitaha­n ni United States First Lady (FLOTUS) Melania Trump ang common-law wife ni President Duterte na si Honeylet Avanceña na dumalo sa isang pagtitipon sa United Nations General Assembly (UNGA) sa New York.

Ito ay makaraang makita si Avanceña sa Broadway, pagkatapos manood ng Miss Saigon, nitong Martes, sa parehong araw ng UNGA General Debate. Ginaganap ang UNGA mula Setyembre 12 hanggang 25.

Nang tanungin ng ABS- CBN reporter na si Don Tagala kung nasa New York ba siya para sa pandaigdig­ang pagtitipon, sumagot si Avanceña na “yes” at idinugtong na siya ay inimbitaha­n. Gayunman hindi niya nabanggit kung ano ang partisipas­yon niya sa nasabing pagtitipon.

Ayon kay Presidenti­al Spokespers­on Ernesto Abella, walang opisyal na pahayag ang Palasyo kaugnay sa pagbisita ni Avanceña sa New York ngunit sinabing inimbitaha­n siya ng FLOTUS.

“I don’t have an official statement regarding that. Pero alam ko po, sa pagkakaala­m ko lang po, may dumating na imbitasyon para sa kanya mula sa First Lady. May invitation yata siya mula sa First Lady, from the FLOTUS,” ani Abella sa GMA-7 kahapon ng umaga.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs ( DFA) spokespers­on Robespierr­e Bolivar, sa isang panayam na hindi man bahagi ng opisyal na delegasyon ng Pilipinas sa UNGA si Avanceña, nasa New York ito para dumalo sa ilang side meetings bilang bahagi ng kanyang advocacy work.

Si DFA Secretary Alan Peter Cayetano ang namumuno sa Philippine delegation sa UNGA bilang kinatawan ni Pangulong Duterte. ‘FOR OUR CHILDREN’ Sa tanghalian sa U.S. Mission to the United Nations nitong Miyerkules, nanawagan si Melania Trump sa mga lider ng mundo na magsama-sama para sa kabutihan ng kanilang mga anak.

Nagbabala na ang mga bata ay nakamasid sa ginagawa ng matatanda, sinabi niya sa mga asawa ng mga lider ng mundo na kailangan nilang turuan ang isa’t isa ng “values of empathy and communicat­ion that are at the core of kindness, mindfulnes­s, integrity and leadership.’’

“We must come together for the good of our children,’’ ani Mrs. Trump sa una niyang pagtalumpa­ti sa United Nations. “We must remember that they are watching and listening, so we must never miss an opportunit­y to teach life’s many ethical lessons along the way.’’

Kasama ng FLOTUS sa head table ang mga asawa nina French President Emmanuel Macron, Turkish President Recep Tayyip Erdogan, Canadian Prime Minister Justin Trudeau, Finnish President Sauli Niinisto, at iba pa.

Sa walong minutong talumpati, sinabi ni Mrs. Trump na ang mga bata ay madalas na una at pinakamati­ding naaapektuh­an ng drug addiction, bullying, kahirapan, sakit, traffickin­g, illiteracy at pagkagutom.

“No child should ever feel hungry, stalked, frightened, terrorized, bullied, isolated or afraid, with nowhere to turn,’’ aniya. “We need to step up, come together, and ensure that our children’s future is bright.”

 ??  ?? Melania
Melania

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines