Balita

Raid sa Catalan

-

MADRID/BARCELONA (Reuters) – Ni-raid ng Spanish police ang mga opisina ng Catalan government at inaresto ang mga opisyal nitong Miyerkules para pigilan ang ipinagbawa­l na referendum sa kasarinlan, isang hakbang na ayon sa regional president ay pagtapak ng Madrid sa kanyang administra­syon.

Libu-libong nagpoprote­sta ang nagtipon sa labas ng mga opisina ng regional government sa Barcelona at sa ilang Catalan cities, nagwagaywa­y ng pula at dilaw na Catalan flag at sumigaw ng “Occupying forces out” at “Where is Europe?”.

“We condemn and reject the anti-democratic and totalitari­an actions of the Spanish state,” deklara ni Catalan President CarlesPuig­demont sa televised address. Nanawagan siya sa mga Catalan na magpakita ng puwersa at bumoto sa referendum sa Oktubre 1 para humiwalay Spain na idineklara ng Madrid na illegal.

Pinatindi ng pulisya ang pagsisikap na mapigilan ang referendum nitong mga nakaraang araw. Wala namang senyales na iuurong ito ng mayamang rehiyon sa hilagang silangan.

Sinabi ni Prime Minister Mariano Rajoy noong Miyerkules na ang mga operasyon sa Catalonia ay resulta ng legal rulings at upang tiyakin ang rule of law. Nanawagan siya sa Catalan leaders na kanselahin ang botohan.

“Don’t go ahead, you don’t have any legitimacy to do it. Go back to the law and democracy (...) This referendum is a chimera,” aniya sa televised speech.

Sinuspinde ng Constituti­onal Court ang referendum matapos hamunin ng central government ang legalidad nito. Sinabi ng Madrid na labag ito sa 1978 constituti­on na nagsasaad na hindi maaaring hatiin ang Spain.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines