Balita

Sekyu sa CGH isinalaysa­y ang nasaksihan

- Mary Ann Santiago

Lumutang kahapon sa Manila Police District (MPD) Headquarte­rs ang guwardiya sa emergency room ng Chinese General Hospital (CGH), na naka-duty nang isugod doon ang University of Santo Tomas (UST) law student na si Horacio “Atio” Castillo III.

Hindi pinangalan­an ang naturang guwardiya na nagtungo sa tanggapan ng MPD- Crimes Against Persons Investigat­ion Section (CAPIS) upang magbigay ng salaysay.

Sa salaysay ng guwardiya, isang lalaking sakay sa motorsiklo at isa pang lalaki na sakay sa pulang Mitsubishi Strada ang nagdala kay Castillo sa ospital noong Setyembre 17, bandang 9:00 ng umaga.

Lumilitaw na si John Paul Solano ang lalaking sakay sa motorsiklo habang nakita naman nitong bumaba mula sa driver’s seat ng Strada ang isang lalaki na sinasabing si Antonio Trangia.

Samantala, ayon kay MPD Director Police Chief Supt. Joel Napoleon Coronel, hawak na nila ang closed-circuit television (CCTV) footages mula sa nasabing ospital at sa pamamagita­n nito ay natukoy nila ang oras at petsa ng pagdating ng mga suspek na nagdala kay Castillo.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Coronel na isang welcome developmen­t sa kanila ang desisyon ni UST Faculty of Civil Law Dean Nilo Divina na alisin na ang preventive suspension na ipinataw laban sa lahat ng miyembro ng Aegis Juris fraternity.

Ayon kay Coronel, ang suspensiyo­n ay hadlang sa kanilang pagsusumik­ap na matukoy kung sinu-sino ang mga taong sangkot sa insidente.

“Nahirapan po talaga kami to gain access to the fraternity members. But hopefully with the lifting of the suspension, we would be able to meet with the fraternity members even those who are not directly involved in the initiation rites. Baka makatulong po. ‘Yun din po ang gusto ng family ni Atio Castillo,” ani Coronel, sa panayam sa radyo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines