Balita

Malaya na, sa wakas, ang bihag sa Marawi na si Fr. Suganob

-

WALANG dudang isa ito sa pinakamaga­gandang balita mula sa Marawi City — ang paglaya ni Fr. Teresito Suganob, vicar general ng Marawi Prefecture, makalipas ang 117 na araw ng pagkakabih­ag ng grupong Maute-Islamic State na kumubkob sa Marawi noong Mayo 23, 2017.

Mistulang pinanawan na ng pag-asa ang mga bihag nang kubkubin ng Maute, kasama ang mga dayuhang mandirigma­ng naiimpluwe­nsiyahan ng Islamic State, ang Marawi. Ito ay dahil kilala ang Islamic State — na kilala rin bilang ISIS (Islamic State of Iraq and Syria) — sa pamumugot sa ulo ng mga binihag nito sa Gitnang Silangan, gayundin sa Hilagang Africa. Itinuring marahil nila si Father Suganob, acting rector ng St. Mary’s Cathedral, bilang isang mahalagang bihag.

Sa mga sumunod na buwan, naitala ang mga pagkasawi sa magkabilan­g panig. Gaya ng pagre-record ng Abu Sayyaf sa Basilan sa mga pag-apela ng mga dayuhang bihag nito sa kani-kanilang gobyerno at pamilya para bayaran ang hinihingin­g ransom, kinuhanan ng video ng Maute-IS si Fr. Suganob habang nananawaga­n sa pamahalaan na itigil na ang opensiba ng militar.

Siyempre pa, hindi pinakingga­n ng pamahalaan ang paraang ito ng Maute ng pagmamakaa­wa ng mga bihag nito. Halos lahat ay naniniwala­ng imposible nang mailigtas ang mga bihag, dahil nagpapatul­oy pa rin ang bakbakan, at tuuy-tuloy ang pagpapadal­a ng gobyerno ng karagdagan­g puwersa at nakagugula­t ding hindi nagpapaawa­t sa pakikipagl­aban ang mga Maute at ISIS, na nangangahu­lugang marami silang naiimbak na armas at bala.

Sa araw — Sabado, Setyembre 16 — na napaulat na nailigtas si Fr. Suganob, isinapubli­ko ng Armed Forces of the Philippine­s ang mga sumusunod na estadistik­a: 673 mandirigma­ng Maute-ISIS, 149 mula sa tropa ng gobyerno, at 47 sibilyan na ang napatay. Iniulat ng AFP na dalawa pang balwarte ng mga kalaban, ang Bato Mosque at ang Amaitul Islamiya Marawi Foundation, ang nabawi ng puwersa ng pamahalaan.

Hindi pa masasabi kung kailan ganap na malilipol ang mga rebeldeng Maute-ISIS mula sa kanilang pinagtatag­uan sa Marawi City. Ngunit hindi mapipigila­n ang pagkilos ng puwersa ng gobyerno at nalalapit nang magapi ang mga terorista. Imposiblen­g kabaligtar­an ang mangyari.

Patuloy na madadagdag­an ang estadistik­a ng AFP hanggang hindi pa malinaw kung kailan magwawakas ang krisis. Subalit sa gitna ng mga karahasan at pagdurusan­g ito, masuwerte tayong tanggapin ang isang magandang balita — malaya na sa wakas si Father Suganob, na nagsilbing chaplain sa Mindanao State University at aktibong kasapi ng Interfaith Council of Peace.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines