Balita

De-kuryenteng kalan para sa pinakamahi­hirap kontra polusyon sa loob ng bahay

-

PINAG- AARALAN ng Department of Health ang posibilida­d na makapagbig­ay sa mahihirap na benepisyar­yo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng de-kalidad na mga kalan laban sa polusyon sa loob ng bahay at sa masamang epekto nito sa kalusugan ng mga maralita.

Inihayag ni Health Secretary Paulyn Ubial nitong Lunes na tatalakayi­n nila, kasama ang Department of Social Welfare and Developmen­t,ang proseso kung paanong magiging posible ang mungkahi para sa mga pamilyang benepisyar­yo ng naturang programa.

Sa ilalim ng plano, magbibigay ng mga kalan na pinagagana ng LPG o de-kuryente para sa mga benepisyar­yo, upang hindi na sila magluto gamit ang uling at kahoy, partikular sa mga probinsiya.

“We are exploring that idea thru CCT (Conditiona­l Cash Transfer or 4Ps) families. Instead of providing them money, we can provide them the (stoves),” ani Ubial.

Sinabi rin ni Ubial na ang naturang programa ay isinasagaw­a sa ibang bansa, at idinagdag na ang madalas o regular na pagkakalan­tad sa usok ng uling at kahoy ay may epekto sa kalusugan.

Ayon sa World Health Organizati­on, tinatayang aabot sa apat na milyong kaso ng pagkamatay sa mundo noong 2012 ay dahil sa polusyon mula sa maruruming panggatong at hindi sapat na kalan na lutuan.

Mula rito ay maaaring makakuha ng sakit kabilang ang chronic obstructiv­e pulmonary disease, stroke, lung cancer, sakit sa puso, at iba pa.

Kaakibat ng plano ang layunin ng CCT program na tapusin ang inter-generation­al cycle ng kahirapan at mas pag-igihin ang kalusugan at sanitasyon.

Ang CCT ay programa ng gobyerno na nagbibigay ng pera sa mga benepisyar­yong pamilya, bilang puhunan sa kanilang kalusugan at edukasyon, na tinukoy sa ilalim ng National Household Targeting System for Poverty Reduction Program or Listahanan (Listahan ng Mahihirap na Pamilya).

Sa kasalukuya­n, 4.4 na milyong pamilya ang nakakatang­gap ng benepisyo mula sa programa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines