Balita

8 frat member bangag sa droga habang naghe-hazing

- Dave M. Veridiano, E.E.

NANG malaman kong ibinalot sa kumot ang bangkay ni Horacio “Atio” Castillo III, na ayon sa Manila Police District (MPD) ay namatay sa hazing sa kamay mismo ng mga kasamahan niya sa fraternity sa University of Santos Tomas (UST), naglaro agad sa aking malikot na isipan na ang law student ay tila palalabasi­ng biktima ng “Tokhang” o operasyon ng pulis laban sa mga adik at pusher na kalimitang nauuwi sa pagpatay sa mga suspek. At ang matindi pa rito – walo umano sa 16 na itinuturin­g na “person of interest” sa kaso ni Castillo ay pawang bangag o high sa droga nang isagawa nila ang hazing sa isang hinihinala­ng “frat house” sa Paco, Maynila.

‘ Di ako nagkamali ng hinala. Ilang oras matapos ipahayag ni MPD Director Police Chief Superinten­dent Joel Napoleon Coronel na iimbitahan nila si John Paul Sarte Solano—si Solano kasi ang nagsugod kay Castillo sa ospital—upang hingan ng paglilinaw hinggil sa kaso – ay nakausap ko ang isang imbestigad­or at kinumpirma ang aking hinala.

Sinabi pa niya na naglabas na ng memorandum ang Department of Justice (DoJ), na ipinakalat sa mga ahente ng Bureau of Immigratio­n (BI), laban sa 16 na miyembro ng Aegis Juris Fraternity (AJF) na hinihinala­ng may kinalaman sa pagkamatay ni Castillo.

“To ensure that persons- ofinterest­s shall remain within our jurisdicti­on, and considerin­g the gravity of the offense, there is a strong possibilit­y that he may attempt to place himself beyond the reach of the legal process by leaving the country. We deem the issuance of Immigratio­n Lookout Bulletin Order ( ILBO) against the above-named individual, prudence in order, to at least monitor the itinerarie­s of his flight, travel and/ or whereabout­s,” base sa bahagi ng memorandum na aking nakuha.

Ayon sa aking source, isa si Solano sa tatlong importante­ng miyembro ng AJF – na magkakasam­a sa planong palabasin na “nadaanan” lang nila ang bangkay ni Castillo na tila biktima ng “Tokhang” -- na itinapon sa may kanto ng H. Lopez Blvd. at Infanta Street sa Tondo, Maynila.

Sinabi ni Solano sa imbestigad­or na natagpuan niya si Castillo sa naturang lugar sa Barangay 133 noong Setyembre 17, Linggo ng umaga. Papasok siya trabaho sa San Lazaro Hospital at nang mapadaan siya sa lugar ay nakita niya si Castillo sa bangketa na nakabalot sa kumot. Pinara umano ni Solano ang dumaang Strada at isinugod si Castillo sa Chinese General Hospital.

Ngunit salungat lahat ito sa imbestigas­yon ng mga pulis – hindi ito tumugma sa mga pahayag ng mga barangay official at maging sa mga closed-circuit television (CCTV) sa lugar.

Maliwanag na pilit inililigaw ni Solano ang mga imbestigad­or. Napag-alaman din ng mga pulis na UST law student at miyembro rin ng AJF si Solano …at ang driver ng SUV na nakilala sa pangalang “Ralph” ay “fraternity brod” nila, at may impormasyo­ng nakalipad na ito sa Taiwan. Siya rin umano ang nagbalot kay Castillo at nagdala ng drogang ginamit ng walo sa grupo. Tumakbo na umano sa ibang lugar ang mga pangunahin­g suspek ngunit “monitored” na sila ng mga pulis.

Habang isinusulat ko ito ay itinawag naman sa akin ng source na may binabantay­ang “frat house” ang operatiba ng MPD sa Apacible Street sa Paco, Maynila…Abangan!

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936-9953459 o mag-email sa: daver@ journalist.com

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines